Connect with us

Entertainment

Magkasintahang Sina Daniel Padilla At Kathryn Bernardo, Nag-enjoy Bilang Dog Sitter Sa Loob Ng Isang Araw

Marami na tayong kilalang celebrities na talagang mahilig sa pag-aalaga ng mga hayop tulad ng aso at pusa sa loob ng kanilang bahay. Nakakatuwa naman talaga magkaroon ng pet, lalo na ng aso na malambing at nakaaaliw, tunay nga na sila’y “man’s bestfriend”.

Photo Credits: Bernardo Kath| IG

Kabilang nga sa listahan ng mga celebrities na dog lover ay ang magkasintahang sina Daniel Padilla at Kathryn Bernado. Ang pag-aalaga ng aso, para kay Kath ang nagsisilbi niyang stress reliever. Si Kath ay may pitong asong inaalagaan sa kanyang bahay, at talagang natutuwa siya sa mga ito dahil napakalambing ng mga ito. At bilang isang furr mommy ng kanyang mga cute na alaga, ay talagang nai-spoiled niya ang mga ito.

Photo Credits: Bernardo Kath| IG

“Super, I treat them like my own, like my babies. Binibigyan ko sila ng time. Lahat sila pagdating ko ng bahay sasalubong sila. Yan yung magpapaalis ng stress ko talaga,”pag-amin ni Kath sa isang panayam noong 2019.

Ang nobyo naman ni Kath na si Daniel, ay mayroon namang 17 na aso na kanyang inaalagaan sa kanilang tahanan sa Tandang Sora. Ang mga alagang aso naman ni Daniel, ay may iba’t ibang lahi kung saan nga ay magkakaiba ang laki at hugis. Pagbabahagi nga ng aktor sa isang panayam, ang kanyang mga alagang aso ang madalas niyang kabonding kapag nasa bahay siya.

Photo Credits: Bernardo Kath| IG

“Dream ko bata pa ako na magkaroon ako ng madaming aso. Pag kunyari wala akong trabaho nasa bahay lang ako nanunuod ng pelikula kasama ko sila. Kahit sila alam nila minsan lang ako nandun kaya parang sila sinasamahan na nila ako. And alam ng aso, nakakatuwa dahil parang tao rin sila mag-isip.”

Matatandaan naman na noong 2019, ay pinatunayan ng real life couple ang kanilang pagmamahal sa mga aso matapos magdonate ng 10 animal cages para magamit ng Manila City Pound.

Photo Credits: Bernardo Kath| IG

At kamakailan lamang nga, ay muling pinatunayan nina Kath at DJ ang kanilang pagiging dog lover matapos maging dog sitter sa loob ng isang araw. Sa kanilang Instagram account, nito lamang ika-3 ng Pebrero ay makikitang ibinahagi nila ang mga larawan kung gaano silang nag-enjoy sa pag-aalaga at bantay sa mga aso sa loob ng isang araw.

Photo Credits: Bernardo Kath| IG

Makikitang ipinasyal ng magkasintahang Kath at DJ ang dalawang aso na nagngangalang Kenya at Sydney. Para malibang ang mga aso ay dinala nila ito sa  Burgos Circle sa loob ng Bonifacio Global City sa Taguig.

Photo Credits: Bernardo Kath| IG

Talaga namang iba kung mag-alaga ang magkasintahan, at makikita nga na hindi lang sila ang nag-enjoy sa kanilang pamamasyal kundi pati narin ang mga dala nilang aso na ubod naman sa kacutan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @zgiantpoodles

error: Content is protected !!