Connect with us

Entertainment

Magkasintahang Mika Dela Cruz at Nash Aguas, Hinangaan ng mga Netizens Matapos Magkasama at Nagtulungan sa Paglilinis nang Walang Kaarte-arte

Ang magkasintahang Mika Dela Cruz at Nash Aguas ay isa nga sa mga naghahatid ng kilig sa publiko dahil sa kanilang magandang chemistry. Marami nga ang humahanga sa magkasintahan dahil bukod sa parehong maganda at gwapo, ay pareho ring talentadong mga artista sa industriya ng showbiz.

Credit: Mika Dela Cruz | Instagram

Magmula nga sa pagiging childstar, hanggang sa pagiging mahuhusay at talentadong artista, ay tila sila na nga ang nakatadhana sa isa’t isa. Sina Mika at Nash ay parehong produkto ng Star Circle Quest Kids dahilan nga upang magbukas ang pinto ng oportunidad sa kanilang karera.

Ang kanilang masayang samahan ngayon, ay nagsimula sa pagkakaibigan. Mas lalo namang lumalim ang kanilang pagkakaibigan matapos magkasama sa children gag na Goin’ Bulilit. Dahil nga, matagal na nilang kilala ang isa’t isa, ay nagresulta ito sa isang magandang samahan bilang magkasintahan.

At ngayon nga, ay mahigit dalawang taon na ang kanilang relasyon bilang magkasintahan. Sa kabila nga ng mga pagsubok at kontobersiya na kanilang pinagdaanan ay nanatiling matibay at matatag ang kanilang relasyon. Ilan sa kinaharap nilang kontrobersya ay ang balitang nabuntis umano si Mika, na mariing itinanggi ng aktres.

Credit: Mika Dela Cruz | Youtube

Sa paglipas ng panahon ay masisilayan ang masayang samahan ng magkasintahan. At upang magbigay ng update sa kanilang mga tagahanga tungkol sa mga kaganapan ng kanilang buhay, ay gumawa na rin sila ng sarili nilang YouTube Channel. At isa sa madalas na ibahagi sa kanilang mga vlog, ay ang masaya nila bonding moments.

Ang isang vlog content nga nina Mika at Nash ay hinangaan ng mga netizens matapos ibahagi ang paglilinis nang magkasama sa balkonahe ng bahay nina Mika ng walang kaarte-arte.

Credit: Mika Dela Cruz | Youtube

Sa unang bahagi ng video, ay ipinaliwanag ni Mika ang dahilan kung bakit madumi ang kanilang bahay. Ayon nga sa aktres, ay madalas na walang tao sa bahay nilang ito, dahil doon sila namamalagi sa bahay ng kanyang ate na si Angelica Dela Cruz. Dagdag pa nito, ay dalawa lang sila ng kanyang ina ang nakatira dito at kapag nababagot ay pumupunta sila sa bahay nina Nash sa Cavite.

Nang simulan na ng magkasintahan ang paglilinis, ay mapapansin nga na maraming dumi ng pusa ang balkohane ng bahay nila Mika. Ngunit, makikita namang walang kaarte-arteng nilinis at inalis ito ng magkasintahan. Nasubok rin ang diskarte ng dalawa kung paano malinis ang lugar, dahil hindi umabot ang hose ng tubig sa itaas ng bahay.

Credit: Mika Dela Cruz | Youtube

Matapos malinis ang buong lugar ay ipinakita naman ng magkasintahan ang resulta ng ginawa nilang paglilinis. At makikita nga na maaliwalas na itong tingnan, at wala ng kalat. Nagset-up naman ang dalawa ng lamesa at upuan para magsilbing tambayan nila.

Credit: Mika Dela Cruz | Youtube

Kinabiliban ng mga netizens ang ipinakitang pagtutulungan at paglilinis ng walang kaarte-arte ng magkasintahan. Patunay lamang nga nito, na ngayon pa lang ay magkasundo na sila, at nagtutulungan sa kanilang pagsasama. Tiyak na sa pagdating ng panahon ay magkakaroon masayang pagsasama ang dalawa kapag bumuo na sila ng sariling  nilang pamilya.
9

error: Content is protected !!