Connect with us

Entertainment

Magkasintahang Kim Chiu at Xian Lim, Ipinasilip ang Kanilang Masayang Bakasyon sa Malaparaisong Lugar ng Balesin

Ang mga sikat na artista sa showbiz, ay palaging abala sa dami ng kanilang ginagawang proyekto. Kaya naman, karamihan sa kanila ay wala nang oras upang magkaroon ng mahabang bakasyon para magrelax at libangin ang sarili.




Kaya naman, ngayong panahon ng pandemya kung saan ay nabawasan ang pinagkakaabalahang proyekto, ay talagang sinusulit ng ilang artista ang kanilang bakanteng oras upang mapuntahan ang kanilang mga nais na lugar upang magbakasyon at mag-enjoy kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

Photo credits: Kim Chiu | IG

Katulad na lamang nga ng magkasintahang Kim Chiu at Xian Lim na napapadalas ang pagbabakasyon sa mga magagandang lugar sa bansa. Matatandaan na sa mala-paraisong lugar ng Coron, Palawan, ipinagdiwang ng celebrity couple ang Valentine’s Day.

Photo credits: Xian Lim | IG

At ang masaya nilang bakasyon na ito sa Palawan, ay agad nasundan ng exciting at nakakaenjoy na bakasyon sa Balesin nito lamang weekend.

Sa kani-kanilang social media account, ay ipinasilip ng magkasintahan ang kanilang masayang paglalakbay at bakasyon sa napakagandang lugar ng Balesin.




Photo credits: Xian Lim | IG

Sa Instagram, ibinahagi ni Kim ang ilang larawan kasama ang nobyong si Xian habang lulan ng sinasakyang eroplano. May larawan ring kuha, habang naglalakad ng magkaholding hands ang dalawa. Nilakipan naman ito ng caption ng aktres na:

“Hold my hand and I’ll go anywhere with you. Thank you @xianlimm for always making me feel special! Weekly na ba to? Hehe charot lang!”

Samantala, ang aktor naman na si Xian Lim ay nagbahagi ng sweet photos nila ng kanyang nobyang si Kim, kung saan ay makikita na tila nakaupo sila sa isang lounge.

Ang magkasintahang Kim Chiu at Xim Lim, ay isa sa hinahangaang celebrity couple sa industriya ng showbiz. Magmulang nang mapabalita noong 2012, ang kanilang relasyon na kanilang kinumpirma sa publiko noong 2018, ay talagang pinatunayan ng magkasintahan ang tibay at tatag ng kanilang samahan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Xian Lim (@xianlimm)

Makikita nga sa social media ng magkasintahan ang mga sweet photos na kanilang ibinahagi, ang kanilang kasweetan at pagmamahal sa isa’t isa. Patunay lamang nga nito na ang tunay nilang pagmamahalan, ay maaaring humantong sa pag-iisang dibdib. Makikita rin sa celebrity couple ang saya sa kanilang mga mata sa tuwing kasama ang bawat isa.

error: Content is protected !!