Connect with us

Entertainment

Magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla Kasama ang Kanilang Mga Kaibigan, Nagkaroon ng Masayang Dinner sa Palacio de Memoria

Kamakailan lamang ay inanunsiyo ng gobyerno ang muling pagbabalik ng ECQ sa Metro Manila. Ibig sabihin lamang nito, ay ang paghihigpit sa pagpapatupad ng safety protocols bilang pag-iingat sa pagkalat ng nakahahawang sakit.

Credit: Nguyasquad | Instagram

At isa nga sa muling ipinagbawal ay ang outdoor at indoor sa mga kilalang kainan sa bansa. Kaya naman, bago pa sumapit ang itinakdang oras sa August 6, para sa pagsisimula ng ECQ ay sinamantala na ng marami na makasamang kumain sa labas ang kanilang mga mahal sa buhay.

Hindi nga pinalampas ng magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na magkaroon ng isang masayang dinner kasama ang kanilang mga celebrity friends. Ang kanilang samahan na kilala rin sa tawag na “Nguya Squad” ay kinabibilangan nina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Ria Atayde, at Patrick Sugui at fiancée nitong Aeriel Garcia. Kasama rin nila ang aktor na si Joshua Garcia, at aktres na si Sofia Andres kasama ang boyfriend nitong si Daniel Miranda na nakasama rin ng KathNiel noong nakaraang buwan sa isang masayang camping.

Credit: Nguyasquad | Instagram

Samantala, espesyal naman ang dinner ng magkakaibigan dahil ginanap ito sa restored pre-war mansion na isa na ngayong events place na tinawag na Palacio de Momeria na matatagpuan sa Parañaque City kung saan isang reserved place na maeenjoy ang magagandang features nito tulad ng galleries, rooms, gardens, aircraft at isang museum na matatagpuan sa mansion grounds.

Credit: Nguyasquad | Instagram

At matapos nga ang isang masaya at masaganang dinner, at nag-enjoy ang magkakaibigan sa pag-inom ng wine sa Bunker Bar na isang military bunker-inspired theme.

Makikita naman sa mga larawan at video na ibinahagi Instagram page ng “Nguya Squad” ang masayang bonding ng magkakaibigan. Sa isang video nga, ay makikita ang pagbibiruan nina Ria at Kathryn. Samantalang nag-uumapaw naman sa kasweetan ang mga kuha ng larawan ng magkasintahang Kathryn at Daniel.

Credit: Nguyasquad | Instagram

Tila nga ang samahan at pagkakaibigan ng kanilang tropang Nguya Squad ay hindi matatawaran kung saan nga ay taglay ang isang tapat at tunay na pagkakaibigan. Kaya naman, hindi na nakapagtataka na sa paglipas ng panahon, ay mas lalo pang maging masaya at maging matibay ang kanilang samahan na handang harapin ang anumang pagsubok na darating.

Credit: Nguyasquad | Instagram

Matatandaan naman na noong July 9, ay nagkaroon ng isang masayang camping sina Kath at Daniel kasama ang kanilang mga kaibigan. At para sa kanilang unang out of town, ay masaya silang mag-trekking, naligo sa ilog, at nagluto rin ng kanilang sariling pagkain. Makikita nga na talagang iba ang saya sa kanilang mga mukha sa tuwing magkakasama silang magkakaibigan.

error: Content is protected !!