Connect with us

Entertainment

Magkasintahang Julia Barretto at Gerald Anderson, Magkasamang Namahagi ng Tulong sa Pundaquit Community sa Subic, Zambales

Ang magkasintahang sina Julia Barretto at Gerald Anderson ay ipinakita ang kanilang pagpapahalaga at pagmamahal sa kanilang kapwa nang bumisita sa Subic, Zambales. Kamakailan lamang nga, ay magkasamang namahagi ng tulong sina Julia at Gerald sa Pundaquit community.

Credit: Teamgeraldjulia | Instagram

Bilang kasapi ng Philippine Coast Guard at nakilahok si Gerald kasama ang kasintahang si Julia sa pamamahagi ng relief goods sa kumonidad ng Pundaquit.

Makikita sa mga larawan na magkatulong ang magkasintahan sa pamimigay ng relief goods. Ang ginawang ito ng nagkasintahan ay hinangaan naman ng mga netizens dahil sa pamamahagi ng kanilang biyaya at pagpapaabot ng tulong sa mga taong nangangailangan sa gitna ng pandemya.

Tila naman naeenjoy ng magkasintahan ang relasyon nila ngayon dahil magkasundo sila sa maraming bagay. Sa recent post nga, ay makikita kina Julia at Gerald ang positibong epekto ng isa’t isa kung saan nga ay mas lalo pa nilang napapabuti ang kanilang sarili.

Credit: Teamgeraldjulia | Instagram

Samantala, matatandan na kamakailan lamang nang aminin sa publiko nina Gerald at Julia ang tunay na estado ng kanilang relasyon matapos ang ilang ulit nilang pagtanggi. Hanggang sa mismong tadhana na ang nagpasya na ibunyag na sa publiko ang tunay na namamagitan sa kanila.

Matatandaan nga na naging matunog ang pangalan ni Gerald sa publiko noong nakaraang taon matapos maakusahan ng panloloko sa kanyang girlfriend noon na si Bea Alonzo kung saan nga ay karelasyon diumano ng aktor ang aktres na si Julia Barretto. Ngunit, nang kumalat ang isyu tungkol sa relasyon nina Gerald at Julia ay mariin itong itinanggi ng dalawa.

Credit: Teamgeraldjulia | Instagram

Sa naging pag-amin na naman nina Gerald at Julia sa publiko sa tunay na estado ng kanilang relasyon, ay samu’t sari ang naging reaksyon. May ilan nga na natuwa at binati pa ang magkasintahan sa kanilang relasyon. Ngunit, may ilan rin namang hindi natuwa at binashed ng husto sina Gerald at Julia sa ginawa umanong panloloko kay Bea.

Credit: Julia Barretto | Instagram

Matapos namang malampasan ang mga pagsubok na kaakibat ng kanilang relasyon, at mga basher, ngayon nga ay masaya na ang dalawa sa kanilang relasyon kung saan ay may kalayaan na sa nais nilang gawin.

Hindi rin nahirapan si Gerald na makuha ang loob ng pamilya ni Julia. Sa katunayan nga nito, ay buong pusong tinanggap ng pamilya ni Julia si Gerald. Lalo na nga ang ina ni Julia na si Marjorie Barretto na talagang mainit ang naging pagtanggap sa aktor para sa kanyang anak nang bumisita ang dalawa sa bahay niya.

Credit: Teamgeraldjulia | Instagram

Kamakailan rin lamang nang makasama ni Gerald ang pamilya ni Julia nang magbakasyon sa Baguio kung saan ay talagang masisilayan ang kasiyahan sa kanilang mga mukha.

error: Content is protected !!