Connect with us

Entertainment

Magkasintahang Bea Alonzo at Dominic Roque, Ibinahagi sa Youtube Channel ang Kanilang Naging Masayang Celebration Noong Valentines Day Sa El Nido, Palawan

Magmula nga nang mabunyag sa publiko ang relasyon ng aktres na si Bea Alonzo at aktor na si Dominic Roque, ay hindi na nga sila nagpaawat pa sa paghahatid ng kilig sa kanilang mga fans. Ang matamis na pag-iibigan ng celebrity couple ay talagang inaabangan ng kanilang mga fans.

CREDITS: Bea Alonzo| YT

Sa pagdiriwang ng Valentine’s day nitong nakaraang buwan ng Pebrero, ay hindi nagpahuli ang magkasintahan na pakiligin ang kanilang mga tagahanga. Para nga ipagdiwang ang espesyal na araw na ito, ay nagpasya sina Bea at Dominic na magkaroon ng isang masayang bakasyon sa El Nido, Palawan.

CREDITS: Bea Alonzo| YT

Sa isang vlog na ibinahagi ni Bea sa kanyang Youtube channel nito lamang ika-26 ng Pebrero ay ipinakita ng aktres ang masayang kaganapan sa kanilang Palawan getaway. Kabilang na nga rito ang kanilang sweet moments, masayang adventure at pati na rin ang napakagandang tanawin na kanilang nasilayan sa El Nido, Palawan.

CREDITS: Bea Alonzo| YT

Wala namang pinalampas na sandali ang magkasintahan para sulitin ang bawat sandaling sila’y magkasama para mag-enjoy sa tila isang paraiso sa gandang lugar. Makikita nga na tumuloy sina Bea at Dom sa isang napakagandang villa na bukod sa may sariling swimming pool, ay masisilayan rin talaga ang napakagandang view.

CREDITS: Bea Alonzo| YT

Ayon naman kay Bea, ay ilang ulit na siyang nakapunta sa El Nido na talagang naeenjoy niya. Ngunit, sa pagkakataong ito, ay espesyal ang kanyang bakasyon lalo na nga’t kasama niya ang taong nagpapasaya sa kanyang puso at mahal na mahal siya. Masaya ang aktres dahil si Dom ang nakasama niya sa kanyang bakasyon para ipagdiwang ang Valentine’s day.

CREDITS: Bea Alonzo| YT

“I am very lucky to experience this with someone I love. Buti na lang we decided to come here together. We decided to plan this for Valentine’s because it’s very very special.”

“Sabi nga nila, happiness is best when shared and to be sharing this experience with him is so much more meaningful to me.”

Makikita naman na nagkaroon rin sila ng isang romantic dinner date sa isla, kung saan ay talagang pinaghanda at inasikaso sila ng mga staff ng resort na kanilang tinuluyan. Bumisita rin sina Bea at Dom sa mga ipinagmamalaking lugar sa El Nido na talaga na kahanga-hanga ang ganda ng tanawin kagaya na lamang nga ng Big Lagoon, Cadlao at iba pang tourist spot sa isla.

CREDITS: Bea Alonzo| YT

Hindi rin siyempre nawala ang iba’t ibang beach activities sa kanilang Palawan getaway. Makikita nga na enjoy na enjoy rin ang dalawa sa ginawa nilang snorkeling para masilayan ang gandang hatid ng karagatan. Kapansin-pansin rin naman ang nag-uumapaw na kasweetan nina Bea at Dom sa isa’t isa.

CREDITS: Bea Alonzo| YT

Hindi naman maikakaila na talagang nag-enjoy ang dalawa sa kanilang bakasyon, para ipagdiwang ang Valentine’s day. At kitang-kita naman sa nag-uumapaw nilang kasweetan ang kanilang tunay at labis na pagmamahal sa isa’t isa.

error: Content is protected !!