Connect with us

Inspiring

Magkasintahan, Nakapagpatayo ng Isang Bahay na Nagkakahalaga ng 280,000 Pesos

Sa panahon ngayon kung saan may kamahalan ang mga bilihin, mukhang imposible ang magpagawa ng isang bahay mula sa halagang 280,000 pesos. Ngunit pinatunayan ng magkasintahan na sina AB Magtulis at Hazel Garcia na posible ito.

CREDITS: Google.com

Ang sekreto lamang dito ay ang pagpapagawa ng isang tiny house. Ang 6 sqm. na tiny house na ito ay makikita sa Cavite. Personal na idinesenyo ng magkasintahan ang tiny house na ito kaya naman hindi na nila kinailangang kumuha ng architect at engineer. Kasama na rin sa kanilang budget na 280,000 pesos ang mga nagastos para sa mga kagamitan sa loob ng bahay at maging ang landscape sa labas nito.

CREDITS: Google.com

Bagamat totoong nakatipid ang dalawa sa tiny house na ito, hindi pa rin maipagkakaila na mukhang masikip ang tahanan na ito. Kaya naman nakakagulat na kasyang-kasya rito ang opisina, banyo, at maging ang living area. Plano rin ng dalawa na maglagay ng kusina at walk-in closet.

CREDITS: Google.com

At dahil nga sa limitadong espasyo ng tahanan ay nagdesisyon silang magkaroon ng ikalawang palapag at rooftop. Sa ikalawang palapag makikita ang kanilang kwarto. Isa rin ito sa mga paborito nilang parte ng tiny house dahil komportable silang nakakapagpahinga rito. Bukod pa rito, nakakapagrelax din sila sa rooftop ng tiny house.

CREDITS: Google.com

Pagdating naman sa mga disenyo, pinili nila ang kulay na babagay sa kanilang kapaligiran. Pumili rin sila ng ilang furnitures na makakatulong upang makatipid sila sa espasyo.

Ayon sa dalawa, pinili nilang magtayo ng tiny house sa halip na kumuha ng isang condominium unit. Bukod sa nakatipid sila dito, komportable rin silang nakakapagtrabaho sa kanilang bahay.

CREDITS: Google.com

Kakaunting oras lang din ang ginugol ng dalawa para sa pagpapatayo nito. Sa katunayan, inabot lamang ng tatlong buwan ang pagpapagawa nito. Dagdag pa ni AB at Hazel, napakaraming tao ang natutuwa at namamangha sa tiny house na ito kaya naman nagkaroon sila ng motibasyon na lalo pa itong pagandahin.

Ang kwento rin na ito ay maaaring magsilbing inspirasyon para sa ibang tao na nais magkaroon ng tiny house. Gayunpaman, nagbigay pa rin sila ng ilang paalala at payo lalo na sa ilang pamilya na mayroong plano na magpatayo ng tiny house.

error: Content is protected !!