Connect with us

Entertainment

Magkapatid na Vina Morales at Shaina Magdayao Magkasamang Nag-Enjoy sa Pagbabakasyon sa Bali, Indonesia

Marahil marami sa atin ang nangangarap na marating ang napakagandang lugar ng Bali, Indonesia. Tunay naman kasing mala-paraiso ang lugar na ito, at talagang dinarayo ito, lalo na ng mga taong ang nais ay marelaks ang kanilang isipan at katawang-tao.

Paborito ding pasyalan ng mga celebrity ang Bali, Indonesia, sa katunayan, nito lamang nakaraan, ang magkapatid na sina Vina Morales at Shaina Magdayao, na parehong kilalang aktres sa Pilipinas, ay nagbaskyon sa naturang lugar.

Tunay na ang Bali, Indonesia ay isa sa mga lugar sa buong mundo na napakasarap pasyalan, at kahit na sino ay mae-ejoy ang lugar na ito, dahil sa napakaganda nitong kapaligiran. Ang celebrity sister na sina Vina Morales at Shaina Magdayao, ay ilan lamang sa taalagang nag-enjoy sa kanilang pagbbakasyon sa Bali kamakailan lamang, kung saan kasama din sa Bali adventure nila ang pamangkin nilang si Franchesca Moreno.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vina Morales (@vina_morales)

Sa Instagram page ng aktres na si Vina Morales, ay kanyang ibinahagi ang ilan sa mga snapshots ng naging masayang Bali trip nila ng kapatid niyang si Shaina, at pamangkin nilang si Franchesca. Makikita na isa sa mga aktibidad na ginawa nila sa Bali, ay ang panonood ng fire dance, na labis naman talaga nilang kinaaliwan.

“Watched fire dance show in Ubud called Kecak Fire and trance dance. A choir of a hundred men sitting and singing in concentric circles. A Story to tell through singing and dancing. Plus we took a photo with the ‘horse rider,’ the ‘the Fire Man’ and love and respect ❤️🙏… You all did a great job,” ang naging caption ni Vina sa kanyang post sa Instagram page niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vina Morales (@vina_morales)


Maliban sa panonood ng nakakaaliw na fire dancing sa Bali, Indonesia, ay pinasyalan din ng magkapatid na Vina at Shaina ag Monkey Forest sa nasabing lugar, at ang nakakatuwa pa sa ibinahaging larawan ng aktres, ay ang kasama nila ang isang unggoy sa kanilang naging group selfie.

Ito naman ang caption ni Vina sa naturang larawan nila kasama ang isang unggoy, “Our monkey forest experience and our selfie experience 😅 He (referring to the monkey) was heavy lols 🤣🙈🙉🙊 They are all afraid so I’m the one holding the cute and heavy monkey for our selfie sesh 🤣🙈🙊🙈 Syempre bilis ng turo ni Shaina sa akin 😅.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vina Morales (@vina_morales)

Hindi rin pinalampas ng Magdayao sister sa kanilang Bali adventure ang gawin ang pagsayaw ng bachata dance, isang sayaw sa Bali na sensual, intimate at romatic. Ayon pa kay Vina, ang bachata dance, ay karaniwang sinasayaw ng mga mag-partner. Nagpasalamat naman sa dance instructor, na nagturo sa kanila ng bachata dance.

“Thanks to our dear [dance instructor] friend 🥳 #bachata just having fun 💃 waley pa yan haha it should be closer if bachata lols 🥰😁🥳 The bachata dance is known for being sensual, intimate and romantic. As such, when it comes to how to dance bachata, it is most common to dance with a partner. When dancing with a partner, you will stand close together while doing the bachata steps. – Google 😅,” ani Vina.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vina Morales (@vina_morales)

Bakas naman sa mga larawan na ibinahagi ni Vina na talagang nag-enjoy sila ng kanyang kapatid na si Shaina sa kanilang naging Bali adventure, lalo pa’t isang mala-paraisong resort din ang kanilang tinuluyan sa pananatili nila rito, kung saan ito ay ang Dedaryh Resort sa Bali, Indonesia.

Mapapa-sana all naman talaga tayo sa naging masayang bakasyon ng Magdayao sister sa Bali, Indonesia.

error: Content is protected !!