Connect with us

Entertainment

Magkano nga ba ang Tuition Fee ng mga Anak nina Manny at Jinkee Pacquiao sa Brent International School ang Isa sa Pinakamahal na Eskwelahan sa Pilipinas

Ang edukasyon nga ang isa sa pinakamahalagang bagay sa buhay ng isang tao. Dahil dito nga nakasalalay ang magiging buhay sa hinaharap ng sinuman. At bilang mga magulang nga, ay gagawin nila ang lahat para lamang makapagtapos ang kanilang mga anak sa pag-aaral nang sagayon ay magkaroon ng magandang buhay.

At para sa mga mayayamang pamilya, ang maipasok sa isang International School ang kanilang mga anak, ay napakalaking bagay para sa pag-aaral. Kapag nga sa isang international school, ay mararanasan ng isang estudyante ang mga banepisyo na makatanggap ng modern teaching methods, matuto rin ng iba’t ibang lenggwahe at mapapabuti ang communications skills. Ilan lamang ito sa mga advantages na maaaring makamit sa isang international school, at marami pang iba.

Photo credits: Jinkee Pacquiao | IG

Ngunit, ang prebilihiyong ito ay marami lamang nga sa mayayamang tao na kayang magbayad ng napakamahal na tuition fee. Napakaganda nga talagang mag-aral sa isang international school, pero ang kapalit nga nito ay mahal na tuition.

Ngunit, para sa pamilya ng Pambansang Kamao at Senador na si Manny Pacquiao, ay balewala sa kanya ang mahal na tuition fee para lamang mabigyan ng maganda at mataas na edukasyon ang kanyang mga anak. Ang pamilya Pacquiao, ay kilala sa pinakamayaman sa bansa, kaya naman hindi na nakapagtataka kung sa isang kilalang international school ipasok ni Jinkee at Manny ang kanilang mga anak.

Photo credits: Jinkee Pacquiao | IG

Ang panganay na anak ng mag-asawang Jinkee at Manny na si Jimuel Pacquiao ay nakapagtapos ng Senior Highschool sa Brent International school sa Manila. At ang tuition fee nga nito, ay hindi basta-basta dahil ayon sa ilang ulat, ay umaabot ito ng $9,120 o katumbas ng P419,800 sa loob ng isang taon. Isama pa nga rito ang iba bayarin sa paaralan na umaabot naman ng $8,085 o katumbas ng P396, 165.

Photo credits: Jinkee Pacquiao | IG

Samantala, ang pangalawang anak na si Michael Steven ay sa Brent Internation School rin nag-aaral, sa Laguna naman. Sa ngayon ay nasa senior high school na si Michael, at ang tuition fee niya ay katulad sa kanyang nakakatandang kapatid na si Jimuel ang halaga.

Photo credits: Jinkee Pacquiao | IG

Si Mary Divine o kilala naman bilang Princess, ay nasa middle school kung saan para sa kanyang school level na nag-aaral rin sa Brent International school, ay may tuition fee na $8,784 o katumbas ng P403,512. Sa nasabing halaga, ay hindi pa kasama ang iba pa niyang bayarin para sa buong taon.

Photo credits: Jinkee Pacquiao | IG

Ang pang-apat na si Queen Elizabeth na nasa middle school rin sa Brent, ay kapareho ng tuition fee ni Princess.

Ang bunsong anak na si Israel, sa ngayon ay hindi pa nag-aaral.

error: Content is protected !!