Connect with us

Entertainment

Mag-inang Vicki Belo at Scarlet Snow Belo, Pinahanga ang mga Netizens sa kanilang Matching Wonder Woman Costume

Noong nakaraang October 31 nga, sa pagdiriwang ng Halloween ay pabonggahan at palawakan ng imahinasyon ang mga sikat na celebrities sa kanilang magiging costume. Ang ilan ay nagbihis ng mga nakakatakot na costume, may ilan rin namang mas pinili ang simple ngunit napakagandang costume na tila nasa isang fairy tale. At ang iba naman ay nag-ala super hero na talaga namang napakagandang tingnan.

Nakakatuwa rin na ang bawat celebrities ay may kanya-kanyang karakter sa kanilang Halloween costume kung saan ay kasama rin nila ang kanilang pamilya.




Hindi nga nagpahuli ang celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo at anak nitong si Scarlet Snow Belo na ipamalas ang ganda ng kanilang matching Wonder Woman outfit bilang Halloween costume. Napabilib at napahanga nga ang mga netizens sa ganda ng kanilang napiling karakter para sa pagdiriwang ng Halloween.

Napakaganda ngang tingnan ng 64 taong gulang na si Dra. Vicki Belo habang suot ang sikat na sikat na “Golden Eagle Armor” ni Wonder Woman na hango sa teaser ng 1984 movie nito, na siya namang ipapalabas ngayong Disyembre. Samantalang ang 5 taong gulang na si Scarlet Snow, ay cute na cute sa suot nitong Wonder Woman outfit na hango naman sa 2017 blockbuster film Wonder Woman.

Photo credits: scarletsnowbelo | Instagram

Sa isang Instagram post naman, ay nagbigay ng nakakaantig na mensahe si Scarlet sa kanyang Mommy Vicki, kung saan ay inihambing niya ang kanyang ina kay Wonder Woman, na itinuturing niya bilang super hero ng kanyang buhay at kanilang pamilya.

Photo credits: scarletsnowbelo | Instagram

“I love being mentored by Mommy. She teaches me very important lessons on how “to live with honor and how to love with compassion” (she always tells me this). We can change the world— and it starts by being true to ourselves first, then generously sharing the gifts God has given us with others, one person at a time. #MyMommyIsAHero #Wonderwoman1984”

Photo credits: scarletsnowbelo | Instagram




Photo credits: scarletsnowbelo | Instagram

Maliban naman sa matching Wonder Woman Outfit ng mag-ina, ay nagkaroon rin ng family Halloween costume ang pamilya ni Dra. Vicki Belo kung saan ay nagkaroon sila ng Alice in Wonderland costume. Ang cute na cute na si Scarlet ay karakter ng The Red Queen ang suot, si Dra. Vicki naman ay nagsuot ng karakter ni Mad Hatter, samantalang si Hayden Kho ay nag-ala Knave of Hearts.

error: Content is protected !!