Connect with us

Entertainment

Mag-inang Vicki Belo at Scarlet Snow Belo, Kinagiliwan ng Netizens ang Kanilang Twinning OOTD sa Kanilang Nakakaaliw na Tiktok Video

Goodvibes ang hatid sa kanilang mga tagahanga ng mag-inang Vicki Belo at Scarlet Snow Belo. Ito nga ay matapos ibahagi sa publiko ang kanilang nakakaaliw na Tiktok video kung saan masisilayan ang kanilang fashionable looks.

Patok na patok naman talaga ngayon ang Tiktok na nagsisilbing libangan ng marami para maibsan ang pagkabagot sa loob ng tahanan lalo na ngayong panahon ng lockdown. At ang celebrity doctor na si Dr. Vicki Belo at ubod sa cute na anak nitong si Scarlet Belo ay hindi rin nagpahuli para ibahagi ang kanilang nakakaaliw na video.

Sa Instagram ay ibinahagi ni Dr. Vicki Belo ang maikling kanilang video kung saan masisilayan ang kanilang pagiging fashionista. Hindi na lingid sa publiko na isa ring fashion icon ang celebrity doctor na nagmamay-ari ng mamahaling damit, sapatos at bag. At ang hilig nga sa fashion ay idinaan nito sa isang Tiktok video kung saan ay isinama ang kanyang napakacute na anak na si Scarlet.

Credit: Vickie Belo | Instagram

Ipinakita ng mag-ina sa video ang kanilang pag-pose habang suot ang kanilang twinning outfit tulad ng magkaparehong kulay ng damit at bag. At pinatunayan ng mag-ina ang pagiging fashionista sa kanilang napakaganda at kahanga-hangang awra.

Credit: Vickie Belo | Instagram

Makikita na tila nag-eenjoy ang mag-ina sa kanilang ginagawa, at sumabay pa sa pag-pose sa harap ng camera sa indak ng magandang musika na nagbigay gana sa kanilang pagrampa.

Sa kanilang unang look ay makikitang parehong makasuot ang mag-ina ng all-pink dress na binagayan naman ng pink ring bag. Si Scarlet ay sadyang napakacute sa kanyang suot, at tila nga namana rin sa kanyang ina ang hilig sa fashion. Hindi rin maikakaila na talagang sanay na sanay na itong umawra sa harap ng camera.

Credit: Vickie Belo | Instagram

Sa pangalawang look naman ay makikitang nakasuot ng yellow dress si Scarlet na mas lalong pinaganda ng kanyang yellow headband. Samantalang si Dr. Vicki Belo naman ay suot naman ang damit na may touch of yellow para naman mag-match sa suot ni Scarlet. Pareho naman silang may dalang yellow designer bag. Makikita nga ang pagiging sopistikada ng mag-ina sa kanilang suot, na talagang bagay na bagay sa kanila.

Ang nakakaaliw na video na ito, ay nilakipan naman ng caption ni Dr. Vicki Belo na nagsasabing:

“As they say-two dresses, bags and shoes are better than one.”

Credit: Vickie Belo | Instagram

Samantala, ang pagbibihis ng mga magagandang kasuotan para mai-flex sa kanilang mga tagahanga ay nagsisilbi na ring bonding moments ng mag-ina. At makikita nga, ang pagiging hands-on ni Dr. Vicki Belo kahit abala sa kanyang trabaho.

error: Content is protected !!