Connect with us

Inspiring

Mag-inang Ruffa Gutierrez at Loren, Magkasamang Namahagi ng Relief Goods sa mga Residente ng Marikina na Nasalanta ng Bagyong Ulysses

Pinatunayan ng Miss World 2nd Runner-up 1993 at actress na si Ruffa Gutierrez, na siya’y hindi lang basta maganda, kundi taglay rin ang kabutihan ng puso na tumulong sa iba.

Hindi nga maikaka-ila na isa ang beauty queen-actress na si Ruffa Gutierrez sa mga hinahangaan ng marami, dahil sa kanyang taglay na angking ganda, ngunit maliban nga sa pisikal na ganda ng beauty queen actress, ay mas kahanga-hanga rin ang pagkakaroon nito ng mabuting loob, sa pagtulong sa kanyang kapwa.

Muling nasaksihan ng publiko ang kabutihan ni Ruffa Gutierrez pagdating sa ibang tao, kung saan ay namahagi ito ng tulong sa mga residente na nasalanta ng bagyo.




Batid natin na sa mga nagdaang liggo, kung saan ay sunod sunod ang naging pagdaan ng mga bagyo sa ating bansa, ay marami sa ang mga kababayan natin ang nasalanta ng bagyo ang mga tahanan, maging ang kanilang kabuhayan.

Upang makatulong sa mga kababayan, ay nagtungo sa Marikina (isa sa mga lugar na binaha noong bagyo) si Ruffa Gutierez kasama ang kanyang anak nitong si Lorin upang mamahagi ng mga relief packs sa mga [email protected] ng bagyo na mga residente doon.

Sa Instagram account ng dating beauty queen, ay ibinahagi nito ang mga larawan na kuha sa naging pamamahagi nila ng tulong, kung saan makikita ang mga relief packs na kanilang inihanda, at ang mga residente na nakapila na, upang maabutan sila nito.

Makikita rin sa mga larawan, na nasa mismong lugar si Ruffa at ang kanyang anak na si Lorin, kung saan ay nakasuot sila ng facemask at PPE, upang pag-iingat rin sa [email protected] kumakalat ngayon.




Kalakip naman ng mga larawang ibinahagi ni Ruffa sa kanyang IG, ay ang kanyang naging caption na;

“Days after Typho0n Ulysses d3vastated and [email protected] the lives of millions of Filipinos, we need to come together and help our nation restore every we’ve lost. I pray that in the midst of sorr0w, we all heal and do the best we can to help our communities so that they can rebuild their lives.”

Samantala, maliban sa naging pamamahagi ng mga pagkain at relief packs, ay nanawagan rin si Ruffa, ng patuloy na panalangin para sa lahat ng mga [email protected], na mas dumami pa ang tulong na maibigay sa ating mga kababayan na labis na [email protected]

Marami naman sa mga tagahanga ng aktres, ang humanga at pinuri ito sa kabutihan na kanyang ginawa.

error: Content is protected !!