Connect with us

Entertainment

Mag-asawang Tricycle Driver At Mananahi, Nakatanggap Ng Regalong House And Lot at Kotse Mula Sa Kanilang Mga Anak

Marami na ang nagpatunay na hindi hadlang ang kahirapan sa pag-abot ng mga pangarap. Katulad na lamang nga ng kwentong itinampok sa programang Stories of Hope ng Gtv, nito lamang October 25, 2021. Ito nga ang kwento ng mag-asawang sina Jerry Calata, isang tricycle driver at Cely, isang mananahi na natupad ang pangarap para sa kanilang mga anak. At sa huli nga, ay nakatanggap ang mag-asawa ng regalong house and lot at kotse mula sa kanilang mga anak.

Credits: G Tv

Ang paghihirap at sakripisyo ng mag-asawang Jerry at Cely sa pagtataguyod sa kanilang apat na anak ay talaga namang sulit na sulit. Dahil ang lahat ng kanilang anak ay nakapagtapos ng pag-aaral at pawang mga one-take board passers. May anak silang electrical engineer (Fatima), civil engineer (James), teacher (Cecile), at mechanical engineer (John).

Dahil nga nakita ng kanilang apat na anak kung paano sila iginapang ng kanilang mga magulang, ay sinuklian naman nila ito sa huli matapos ibili ang kanilang mga magulang ng house and lot at kotse.

Credits: G Tv

Nagmula.sa mahirap na pamilya si Jerry at dahil sa hirap ng buhay ay first year high school lang ang inabot at huminto na sa pag-aaral. Naging mulat na sa hirap ng buhay si Jerry kung kaya’t natuto nang tumulong sa kanyang mga magulang sa pagsasaka sa Isabele. Samantalang si Cely naman ay namasukan sa pagawaan ng tsinelas.

Hindi madali ang magtaguyod at magpaaral ng mga anak, kaya naman nang makatuntong ng high school ang tatlo nilang anak ay mas lalo pang nagsumikap ang mag-asawa. Namasukan si Cely sa pananahi, habang ipinagpatuloy ni Jerry ang pamamasada ng tricycle.

Credits: G Tv

Kasabay ng kanilang pagsisikap ay ang pagtitipid sa araw-araw na gastusin na maliban nga sa kanilang mga bayarin at pagkain ay nagtatabi rin sila para sa tuition ng kanilang mga anak.

“Nung nagsabay sa high school yung tatlong anak ko, mahirap talaga kasi nakiki-boundary lang ako.”

“Budget talaga araw-araw. Nilalagay ko sa notebook yung para sa obligasyon, lahat ng bayarin. Tapos yung tira noon, yun ang panggastos. Pero nagagawa pa rin niya [misis], nagtatabi para sa tuition fee.”

Sa kabila naman ng hirap ng buhay ay hindi naisip ng mag-asawa na patigilin sa pag-aaral ang isa man sa kanilang mga anak. Bagkus nga, ay doble kayod ang kanilang ginawa para makapagtapos sa pag-aaral ang apat nilang anak. Ang nakagisnang buhay, ay naintindihan naman ng magkakapatid, kaya naman naging madiskarte rin sila sa buhay para makatulong sa kanilang mga magulang kung saan nga ay pumasok sila bilang mga working students.

Credits: G Tv

“Para sa amin kasi, hindi hadlang ang kahirapan para matapos yung gusto namin. Kaya kahit mahirap, sinabay talaga naming na magtrabaho sa fast-food or maghanap ng iba pang pagkakakitaan para matulungan din sina Nanay at Tatay,”pahayag ni James.

Nagtapos ang tatlong magkakapatid sa Pamantasang Lungsod ng Valenzuela, habang ang kanilang bunsong kapatid na si John ay nagtapos sa Technological University of the Philippines. Labis naman ang pasasalamat ng magkapatid dahil one take board passer silang apat.

Credits: G Tv

“Awa ng Diyos kaming apat naman, one take lang lahat sa board exam. Siguro dahil na rin iyon sa pagsisikap, saka tulong na rin ni Lord sa paghihirap nina Nanay at Tatay.”

Nang makapagtapos naman na, ay nagpasya sina Fatima, Cecile, at James na mangibang bansa. Sina Fatima at Cecile ay nagtungo sa Dubai. Si James naman ay nagpunta sa Kuwait noong November 2017, at nagtrabaho sa isang gas and oil company hanggang December 2020. At dahil nga silang apat ay mga propesyunal na, ay nagpasya silang maiahon sa kahirapan ang kanilang mga magulang bago sila magsipag-asawa.

At ito nga ay binigyang katuparan ng magkakapatid magmula noong taong 2015 hanggang 2018 ay naghuhulog na sila ng lupang 80 square meters sa halagang P800,000. At taong 2018, ay sinimulan na nga ang pagpapatayo sa pangarap na bahay ng kanilang pamilya, kaya naman labis ang tuwa ng mag-asawa.

Credits: G Tv

“Mahigit PHP2 million yung nagastos namin nung pinapatayo yung bahay. ‘Tapos nilipatan namin siya noong April 2019, nung sabay din kaming magbakasyon ni Ate.”

“Nung lumipat na kami dito sa bahay, sobrang fulfilling kasi natupad na yung pangarap naming pamilya na magkaroon ng sariling bahay at lupa.”

Maliban dito, ay may surpresa pang kotse sa kanilang mga magulang ang magkakapatid na nabigyang katuparan noong November 2020. Sa kabila naman ng maayos nang buhay ng kanilang pamilya, ay patuloy parin ang pamamasada ng tricycle ni Jerry. At dahil nakasanayan na ito ng kanilang ama, ay hinahayaan na lamang nila ang gusto nitong gawin.

Credits: G Tv

“Yung pagtatraysikel ni Tatay talagang pinipigilan na naming magkakapatid iyon, pero at the end of the day, yung gusto pa rin niya ang masusunod.”

Ngayon nga na nakaahon na sila sa hirap na may bahay, lupa at sasakyan na ay may kahilingan pa rin para sa kanyang mga anak si Jerry. At ito nga ang patuloy na magtulungan at magdamayan. Nais na rin ni Jerry na mag-asawa ang mga ito, para naman mabigyan na siya ng apo.

“Puwede na silang magpamilya. Sana magkaroon na ako ng apo.”

error: Content is protected !!