Connect with us

Entertainment

Mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico, Nasurpresa sa Resulta ng Makeover ng kanilang Living Room; Solenn, Napaiyak sa Nakita

Isa na namang home “fuffling” episode ang hatid ng Moss Design House at sa pagkakataong ito, ay bahay ng mag-asawang celebrity na sina Solenn Heusaff at Nico Bolzico ang kanilang aayusin at papagandahin sa loob lamang ng tatlong araw.

Photo Credits: Solenn Heussaff | IG

Hindi nga makapaniwala si Solenn sa nakitang kagandahan ng kanilang living room na ngayon nga, ay may neutral minimalisr design na. At sa labis na pagkatuwa, ay napaiyak pa si Solenn sa ganda nito na talagang nakalagay na sa kaayusan ang lahat.




Ang pamilya ng aktres na si Solenn at Nico, ay lumalaki na kung saan ay may isa na silang anak na si Thylane Katana. Kaya naman, nais ng aktres na mailagay sa ayos ang lahat ang kanilang bahay. At hiningi nga nina Solenn at Nico ang tulong nina Mr. at Mrs. B ng Moss Design House upang bigyan ng napakagandang makeover ang kanilang living room.

Photo Credits: Youtube.com | Moss Design House

Ang nais nga ni Solenn ay maging maaliwas ang living room kung saan ay may neutral minimalist design na may kombinasyon ng “stone, wood, and textured fabric” at mga bagay na magbibigay ng angkop na ganda sa living room.

Talagang pinag-isipan nina Mr. and Mrs. B, kung ano ang mga ilalagay sa living room para maisakatuparan nila ang nais na disenyo ng mag-asawa. At hindi naman nabigo sina Solenn at Nico sa napakagandang resulta na kanilang ikinagulat dahil hindi nila inaasahan na ito.

Photo Credits: Youtube.com | Moss Design House

Sa katunayan nga nito, ay hindi napigilan ni Solenn ang maiyak matapos makita ang resulta ng makeover. Sa kabila ng pagiging emosyunal, ay naikwento ni Solenn na talagang mahalaga at kaligayahan niya ang kanilang bahay. Laking pasasalamat rin niya, dahil ngayon na maayos na ito, at may anak na sila, ay ligtas na si Thylane sa mga “sharp edges” sa living room na kadalasang nababangga ang kanilang anak.

Photo Credits: Youtube.com | Moss Design House

Nagawa namang magbiro ni Nico, dahil noong binigyan niya raw ng diamond ring si Solenn, ay hindi naman raw ito naiyak, at mas naiyak pa ngayong maayos ng tingnan ang living room ng kanilang bahay.

Photo Credits: Youtube.com | Moss Design House

Hindi naman maitago ni Solenn ang labis na kaligayahan dahil talagang nagustuhan niya ang bagong anyo ng kanilang living room. Ngayon nga, ay maaliwalas na itong tingnan, malinis at maayos na ikinumpara pa ni Solenn sa isang showroom.




Photo Credits: Youtube.com | Moss Design House

Tila nga may “magic” ang husay ng Moss Design House pagdating sa pagsasaayos ng tahanan at nagagawa nitong mapahanga at mapaiyak ang kanilang kliyente sa napakagandang resulta ng kanilang gawa.

error: Content is protected !!