Connect with us

Entertainment

Mag-asawang Slater Young at Kryz Uy, Ibinahagi Ang Pinsalang Dulot Ng Bagyong Odette Sa Cebu

Sa tuwing may sakuna ay hindi natin maiwasan ang mag-alala sa kaligtasan ng ating mga mahal sa buhay. Maliban nga dito, ay labis na kalungkutan rin ang ating nadarama dahil matapos nga ang pananalasa ng bagyo, ay masisilayan naman natin ang pinsalang dulot nito sa ating mga bahay at ariarian.

Sa pag-landfall ng bagyong Odette ay nanalasa ito sa Visayas at Mindanao. At isa nga sa lugar na nakaranas ng matinding pinsala ay ang probinsya ng Cebu. Sa Cebu nakabase ang pamilya ng mag-asawang sina Slater Young at Kryz Uy, kaya naman talagang nalungkot sila sa sinapit ng kanilang lugar matapos manalasa ang bagyong Odette.

Sa Instagram, ay ibinahagi ni Slater ang ilang larawan at videos na kuha sa kanilang lugar sa Cebu kung saan nga makikita ang pinsalang iniwan ng Bagyong Odette. At makikita nga sa kahabaan ng kalsada ng Cebu City ang mga sirang poste ng kuryente, tumbang puno at nagkalat na bahagi nito. Mapapansin rin ang maraming tao na nagkalat sa gilid ng daan.

Ayon nga kay Slater ay ligtas naman ang kanyang mga kababayan sa Cebu, ngunit maraming tao ang nangangailangan ng tulong lalo na ng pagkain at tubig.

“We are safe. Cebu’s a mess. No power. No net. Just got signal. People are lining up for water, food, and gas.”

Dagdag pa nga ni Slater, ay maraming pamilya ang nawalan ng tirahan. At ang ilang empleyado nga na nawalan ng tirahan ay ginawang “temporary shelter” ang kanilang factory.

“We have family members that lost their homes. Liteblock got looted. A lot of our employees are now homeless – using our factory as a temporary shelter for them.”

Pagbabahagi naman ni Slater, ay ginagawa nila ang abot ng kanilang makakaya para makatulong sa kanilang mga kababayan na naapektuhan ng bagyong Odette. Ipinagdarasal rin nila ang bawat isa na naaapektuhan ng bagyo.

Samantala, ang kanyang asawa naman na si Kryz Uy, ay nagbahagi rin ng larawan na kuha sa pinsalang dulot ng bagyo. Sa kanyang post ay makikita ang larawan ng kanilang bahay at mga sanga ng punong kahoy na nagkalat sa daan.

Dahil nga sa matinding pinsala ng Bagyong Odette sa probinsya ng Cebu at Cebu City ay idineklarang “state of calamity”. Hindi naman maiwasan ng marami ang malungkot sa sinapit ng ating mga kababayan, dahil bukod sa dami ng nawalan ng tirahan, ay may mga binawian pa ng buhay.

Ngayong nalalapit nang sumapit ang araw ng Pasko, ay may mga pamilya nga na nakaranas ng matinding hinagpis sa pagkawala ng kanilang mahal sa buhay. Sa kabila nito, ay muli namang namayani ang pagtutulungan ng bawat Pilipino sa gitna ng sakuna. At marami nga ang nagpaabot ng tulong sa ating mga kababayan na naapektuhan ng bagyong Odette.

error: Content is protected !!