Connect with us

Entertainment

Mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, Ipinasilip Ang Kanilang Masayang Nature Adventure sa Tanay, Rizal

Walang pinapalampas na sandali ang mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na iparamdam sa isa’t isa ang tamis ng kanilang pag-iibigan. Ilang ulit na ngang pinakakilig ang kanilang mga fans ng mag-asawang Sarah at Matteo na kilala sa kanilang love team na “AshMatt”. Hindi lamang sa loob ng tahanan sweet na sweet ang dalawa sa isa’t isa dahil maging sa kanilang bakasyon, ay nag-uumapaw rin ang kasweetan ng mag-asawa.

Photo credits: Ashmattg| IG

Magmula nang ikasal noong 2020, ay tila hindi na nga naubusan ng lakad ang mag-asawa, na hilig talaga ang mag-travel at hanap nga ay masayang adventure. At kamakailan lamang nga, ay ipinasilip ng mag-asawa ang kanilang masayang adventure sa gitna ng napakagandang tanawin na hatid ng kalikasan sa Tanay, Rizal.

Photo credits: Ashmattg| IG

Nito lamang ika-28 ng Enero ay makikitang ibinahagi ni Matteo sa kanyang Instagram ang mga larawan na kuha sa kanilang masayang nature trip. Sa mga larawan at video ay makikitang enjoy na enjoy ang mag-asawang Sarah at Matteo habang nagho-horseback riding. Makikita rin sa isang video na sweet na sweet ang mag-asawa habang naglalakad sa isang ilog.

Photo credits: Ashmattg| IG

Caption nga ni Matteo sa kanyang post sa Instagram,“Walter the horse. spent the night with us.”

Ang lugar na kanilang tinuluyan na tinawag na Casa Balario, para magpalipas ng gabi ay nagbahagi rin sa Instagram ng mga larawan ng mag-asawa.

“We hope you had a memorable stay at our little home and had a wonderful time with nature through our TheBalarioExperience.”

Ang mga nakaabang na masusugid na tagahanga ng AshMatt ay hindi rin nagpahuli sa pagbabahagi sa Instagram ng mga larawan at video na kuha sa mayasang bakasyon ng mag-asasang Sarah at Matteo. Hindi naman maitatanggi na kinilig ang mga fans ng mag-asawa nang masilayan ang kanilang kasweetan.

Photo credits: Ashmattg| IG

Makikita naman talagang hindi kumupas ang tamis ng kanilang pagmamahalan. Sa katunayan nga nito, ay mas lalong tumitibay ang kanilang relasyon lalo na nga’t madalas silang magbonding sa kanilang mga adventure para bumuo ng masasayang alaala.

Photo credits: Ashmattg| IG

Matatandaan na bago tuluyang mauwi sa kasalan ang kanilang pag-iibigan ay anim na taon silang naging magkasintahan. At noong Pebrero 2020, ay tuluyan na ngang nagpalitan ng sumpaan sa harap ng Diyos at ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan sa showbiz sina Sarah at Matteo. Sa darating na Pebrero 2022, ay masaya nilang ipagdiriwang ang kanilang ika-dalawang taong anibersaryo bilang mag-asawa.

Photo credits: Ashmattg| IG

Tiyak naman na mas marami pa silang masasayang adventure na pagsasaluhan sa magagandang lugar para makabuo ng masasayang alaala. Ngayong wala pa silang sariling anak, ay inienjoy muna ng mag-asawa ang isa’t isa sa bawat bakasyon.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mr&Mrs.G (@ashmattg)

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mr&Mrs.G (@ashmattg)

error: Content is protected !!