Connect with us

Entertainment

Mag-asawang Sam Pinto at Anthony Semerad, Isinapubliko na ang Pangalan at Gender ng Kanilang Panganay na Anak

Hindi na maitago ang excitement ng mag-asawang Sam Pinto at Anthony Semerad sa nalalapit na pagdating ng kanilang panganay na anak sa kanilang buhay.

Matatandaan na noong nakaraang Mayo 5, nang ianunsyo ng mag-asawa ang pagbubuntis ni Sam sa panganay nilang anak ni Anthony. At ang magandang balita ay ipinarating ng mag-asawa sa publiko sa pamamagitan ng pagbabahagi ng larawan ng lumalaki niyang baby bump at sinamahan pa ito ng sonogram.

Credits: Sam Pinto | Instagram

Kitang-kita naman talaga ang pagkasabik ng mag-asawa sa latest vlog na kanilang ibinahagi nitong weekend. Maliban sa reaksyon ng aktres na si Sam Pinto at asawa nitong isang professional basketball player na si Anthony Semerad sa pagkakaroon nila ng anak, ay nabunyag rin sa nasabing vlog ang pangalan ng kanilang panganay na anak pati na rin ang gender nito.

Saad nga ni Sam na ngayon nga, ay 23 weeks na ang dinadalang sanggol sa kanyang sinapupunan, ay mixed emotions ang kanyang nararamdaman, kung saan ay parehong masaya at may kasama ring takot na nararamdaman.

Credits: Sam Pinto | Youtube

“Ako super mixed emotions kasi parang after the wedding, after marriage, we were planning to have a baby two years later pa, ‘di ba? Kasi we want to enjoy but he got excited. [I’m] happy and scared at the same time.”

“I was excited! That’s it!,”pahayag naman ni Anthony.

Ayon naman sa mag-asawa, sa darating na Agosto ay maaari nang magsilang si Sam. At ito nga ay baka maging kabirthday pa ng anak ng kambal ni Anthony na si David Semerad.

“Baka nga same birthday with his brother’s baby. Baka same time kasi anytime from August 8 tapos na kasi ‘yung 39 weeks ko,”saad ni Sam.

Sa huling bahagi naman vlog, ay ibinunyag na ng mag-asawa ang gender ng kanilang panganay na anak. At ito nga ay isang baby girl, kung saan ay binigyan nila ng napakagandang pangalan na Mia Aya Semerad na may kahulugan rin.

Credits: Sam Pinto | Youtube

“Because we really love the ocean. Mia is queen of the ocean, so it’s the perfect name. And Aya, it’s a very lucky name. Siyempre we want her to be lucky,”paliwanag ni Sam.

Matatandaan na noong Agosto 2019 nang mag-propose si Anthony kay Sam nang magbakasyon sila sa Australia kung saan lumaki si Anthony. Mahigit nang isang taon ang kanilang relasyon bilang magkasintahan bago pa man sila ma-engaged.

At noong nakaraang buwan ng Marso, ay naisakatuparan na nga ang kanilang pag-iisang dibdib na naganap sa pamamagitan ng isang civil ceremony sa Conrad Manila sa Pasay. Dahil sa pandemya, ay limitado lamang ang kanilang mga bisita. Kaya naman, nangako ang mag-asawa na magkakaroon sila ng 2nd weeding kapag maayos na ang lahat upang mas marami ang makadalong mga mahal sa buhay at masaksihan ang kanilang pagpapalitan ng wedding vows na puno ng pagmamahal sa isa’t isa.

error: Content is protected !!