Connect with us

Entertainment

Mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos, Masayang Ipinagdiwang ang Ika-5th Kaarawan ng kanilang Bunsong Anak na si Luna

Ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos, ay isa sa hinahangaan sa showbiz bilang mabuti at responsableng magulang sa kanilang mga anak na nagbibigay kulay sa kanilang masayang pamilya.




Ikinasal noong 2009 sina Juday at Ryan sa San Juan, Batangas kung saan ay talagang ipinaramdam ang wagas na pagmamahal sa isa’t isa. Hindi nga nagtagal ay bumuo na ng pamilya ang mag-asawa. At ang kanilang masayang pagsasama ay biniyayaan ng tatlong anak.

Photo credits: Judy Ann Santos Agoncillo | IG

Ang panganay na si Yohan ay 16 taong gulang na legally adopted child ng mag-asawa. Ang pangalawa namang si Lucho, ay 10 taong gulang na biological child ng celebrity couple. At ang bunsong anak ay si Luna na kamakailan ay nagdiwang ng kanyang ika-5th birthday.

Hindi naman maikakaila na mabuti at mapagmahal na mga magulang sina Ryan at Juday sa kanilang mga anak. At sa pagdiriwang ng ikalimang taong kaarawan ng kanilang bunsong anak na si Luna, ay nagpaabot ang celebrity couple ng pagbati sa kanilang anak.

Photo credits: Judy Ann Santos Agoncillo | IG

Sa Instagram noong ika-8 ng Enero, araw ng Biyernes, ay ibinahagi ni Juday ang kanyang sweet message para sa kanyang bunsong anak na si Luna.

“Our little potpot, my little sous chef, kikay baby, wacky bunso, happy 5th, sweetheart!”, bungad ni Juday sa kanyang post.




Dagdag pa ng aktres, ay tila hindi umano ito limang taong gulang sa paraan kung paano ito mag-isip at umintindi ng mga bagay. Mababakas rin sa mensahe ni Juday ang pagmamahal sa kanyang bunsong anak.

“Oh my… parang hindi ka naman 5.. parang 25 ka na. The way you think, talk, and understand are just some of your traits that truly amazes mommy and daddy. We will forever be grateful for you, sweetheart. We love you forever and ever and ever.”

Ang naturang Instagram post, ay nilakipan ni Juday ng mga larawan ni Luna kung saan masisilayan ang cute at maamo nitong mukha.

Samantala, simple at maikli naman ang naging pagbati ng Eat Bulaga host na si Ryan sa kanyang post na “Singko❤” na kanyang nilakipan ng larawan ni Luna habang ito’y nakangiti.

Matatandaan naman na noong nakaraang Abril, ay masayang ipinagdiwang ng pamilya nina Juday at Ryan ang Moving Up ni Luna sa kanilang tahanan. Ito ay dahil sa pandemya kung saan ay ipinagbabawal ang mga mass gathering.

error: Content is protected !!