Connect with us

Entertainment

Mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres, Magkasamang Sumailalim Sa Military Training

Ang mag-asawang sina Richard Gomez at Lucy Torres ay isa sa hinahangaan ng publiko pagdating sa pagkakaroon ng masayang relasyon bilang mag-asawa. Sa katunayan nga nito, sa loob ng mahigit dalawang dekadang pagsasama bilang mag-asawa, ay hindi parin kumukupas ang matamis nilang pagmamahalan.

Photo Credits to the Owner

Ang kanilang masayang pagsasama ay biniyayaan ng isang anak na babae na ngayon nga ay ganap nang dalaga, siya si Juliana. Si Juliana ay nasa ikatlong taon na sa kolehiyo sa kursong Public Administration sa University of the Philippines. At tulad ng kanyang mga magulang ay balak rin ni Juliana nang sumunod sa yapak ng mga ito upang pasukin ang mundo ng pulitika. Hindi naman maitatanggi na proud na proud ang mag-asawa sa kanilang anak lalo na nga’t naka-focus ang goal nito na makapagtapos ng pag-aaral upang matupad ang mga pangarap sa buhay.

Samantala, maliban sa pagiging responsable at ulirang mga magulang sa kanilang anak, ay abala rin ang mag-asawa sa kanilang katungkulan sa bayan. Si Richard ay naglilingkod bilang Mayor ng Ormoc City Lucy Torres-Gomez naman ay fourth district representative ng Leyte.

Photo Credits to the Owner

Bagama’t, parehong abala sa kanilang mga tungkin sa bayan at responsibilidad bilang mga magulang sa kanilang anak, ay hindi naman nagkukulang ang mag-asawa sa pagbibigay ng oras sa isa’t isa. Tila nga ang hindi kumukupas na pagmamahal sa isa’t isa, ay mas lalo pang tumitibay sa pagdaan ng panahon.

Mula sa pagiging magkatambalan sa pelikula na naghatid ng kilig at saya sa manonood, hanggang sa magkasamang pagpasok sa mundo ng pulitika upang magserbisyo sa bayan, ay tila nga hindi na mapaghiwalay pa ang dalawa.

Photo Credits to the Owner

Anumang landas nga ang tahakin ay magkasama nila itong lalakbayin. Kaya naman, kahit sa pagpasok sa basic Citizen Military Training ay magkasama rin sila. At kamakailan lamang nga, ay ibinahagi ng mag-asawang Richard at Lucy sa kanilang social media accounts, ang ilang mga larawan na kuha mula sa kanilang training.

Makikita sa isang larawan na nakasakay sa taas ng military tank sina Richard at Lucy. Sa isa pang larawan may makikita si Lucy na nakadapa at may hawak na baril. May 133 namang mga kalahok ang sumailalim sa training upang sa huli ay tumulong at maglingkod sa bayan.

Photo Credits to the Owner

Tunay nga na taglay ng mag-asawa ang pusong ang laman lamang ay maglingkod at tumulong sa bayan. At dahil dito, marami ang talagang naniniwala at nagtitiwala sa mag-asawa, lalo na nga pagdating sa pamamahala ng sambayanan. Hindi naman maikakaila na dahil sa kanilang dedikasyon at pagsusumikap na maglingkod ng maayos sa kanilang nasasakupan ay marami ang talagang humahanga sa mag-asawa.

error: Content is protected !!