Connect with us

Entertainment

Mag-asawang Patrick Garcia At Nikka Martinez, Masayang Ipinagdiwang Ang 6th Birthday Ng Kanilang Pangalawang Anak Na Si Patrice

Ang aktor na si Patrick Garcia ay namumuhay ng masaya kapiling ang kanyang asawang si Nikka Martinez. Ikinasal sina Patrick at Nikka noong taong 2015 at sa darating nga na Marso ay ipagdiriwang na nila ang kanilang 7th wedding anniversary.

Photo credits to the owner

Hindi naman maikakaila na puno ng saya at pagmamahalan ang kanilang pagsasama. Patunay lamang nga nito ang apat na anak na bunga ng kanilang pagmamahalan. Biniyayaan ng tatlong babaeng anak at isang anak na lalaki sina Patrick at Nikka. Sila nga ay sina Michelle Celeste, Nicola Patrice, Francisca Pia at Enrique Pablo.

Photo credits to the owner

Isa naman talagang napakagandang biyaya ang mapagkalooban ng mga anak dahil sila nga ang nagbibigay saya sa loob ng tahanan at sila rin ang bumuo sa isang masayang pamilya.Kaya naman, sa espesyal na araw ng pagdiriwang ng kaarawan ng kanilang pangalawang anak na si Patrice, ay hindi nila pinalampas ang pagkakataon na magkaroon ng simpleng selebrasyon. Nito lamang ika-16 ng Enero, araw ng Linggo nang ipagdiwang ng mag-asawang Patrick at Nikka ang 6th birthday ni Patrice.

Photo credits to the owner

Sa kani-kanilang Instagram account, ay ipinaabot ng mag-asawang Patrick at Nikka ang kanilang mensahe ng pagbati sa kanilang anak. Sa mensahe nga ni Patrick kalakip ang napakagandang larawan ni Patrice, ay sinabi nitong hindi siya magsasawang mahalin ang kanyang anak anuman ang mangyari.

Photo credits to the owner

“Happy happy birthday my Patricey!! You will always be my sweet and caring baby girl. Daddy loves you so much and will continue to love you no matter what! May the Lord always bless you in all areas of your life. I love you baby!”

Sa post naman ng vlogger na rin ngayon na si Nikka, ay punong-puno naman ng papuri sa magagandang katangian ng kanyang anak ang kanyang naging mensahe. At hindi nga maikakaila na siya ang number 1 fan ng kanyang pangalawang anak na si Patrice. Mababakas naman talaga sa mensahe ni Nikka ang kanyang labis na pagmamahal sa kanyang Nicola Patrice.

Photo credits to the owner

“My Nicola Patrice…. You are soooo beautiful baby! You have charisma like no other. Your laughter is so contagious, people are naturally drawn to you! You are witty, intelligent, compassionate, thoughtful and determined. You are truly a star!!! And I cannot wait to witness how bright of a star you will be as you already are!”

Photo credits to the owner

“I love you my Patricey!!!!! More than you will ever know. Mommy will always always ALWAYS be your number 1 fan. Happy happy 6th birthday.”

Marami rin sa mga netizens at ilang kaibigan ng mag-asawa sa showbiz ang nagpaabot ng pagbati sa kaarawan ni Patrice.

Happy birthday Patrice!

error: Content is protected !!