Connect with us

Entertainment

Mag-asawang Patrick Garcia at Nika Martinez, Ibinahagi ang Kanilang Maternity Photoshoot para sa Kanilang 4th Baby na Kinunan sa Garahe ng kanilang Bahay

Nakakaexcite naman talagang magkaroon ng bagong miyembro sa isang pamilya. Kaya naman, isa sa talagang ginagawa bilang bahagi ng pregnancy journey ay ang pagkakaroon ng maternity photoshoot.

At ang mga sikat na celebrities sa showbiz, ay hindi nga kompleto ang pregnancy journey kung walang maternity photoshoot. Kaya naman, marami na tayong nasilayang kahanga-hanga sa gandang maternity photoshoot.

Isa na nga rito ang celebrity parents na sina Patrick Garcia at Nika Martinez, na naging tradisyon na ang pagkakaroon ng maternity photoshoot sa bawat pagbubuntis ni Nika. At sa pang apat na anak ng mag-asawa ay muling nagkaroon ng maternity photoshoot sa gitna ng pandemya ang mag-asawa na kinunan sa garahe ng kanilang bahay.

Photo credits: Patrick Garcia | IG

Ang simpleng maternity photoshoot na ito, ay naisakatuparan sa tulong ng Nice Print Photography na ibinahagi sa Instagram. Makikita naman na napakaganda ni Nika sa suot na see-through nude dress kung saan masisilayan ang kanyang 32 weeks baby bump. Binagayan naman ito ni Patrick na nakasuot ng isang blue coat.

Samantala, inamin naman ni Nika na hindi niya akalaing maisasakatuparan nilang mag-asawa ang magkaroon ng simple ngunit napakagandang maternity photoshoot sa garahe ng kanilang bahay.

“Didn’t think it was possible to have a maternity shoot but with the help of special people… we pulled it off. No make up artist, no hair stylist, no set design…Just a photographer from Nice Print Photography and outfit from Jazel Sy and it still turned out better than expected!”

Photo credits: Patrick Garcia | IG

Ibinahagi rin ni Patrick sa kanyang Instagram ang mga kuha ng larawan sa maternity photoshoot at nilakipan ito ng caption na:

“Was able to do a maternity shoot in our garage… Can’t wait for this little one to come out”

Hindi naman maitago ng pamilya ang kanilang excitement sa pagdating ng bagong baby, lalo na nga ng tatlong anak ng mag-asawa na sina Michelle Celeste, Nicola Patrice, at Francis Pia na nakaabang na sa pagdating ng kanilang kapatid.

Matatandaan na noong buwan Enero nang ibunyag ng mag-asawa ang pagbubuntis ni Nika sa pang-apat nilang anak. At noong Pebrero naman ay napag-alaman sa isang vlog na lalaki ang kasarian ng kanilang hinihintay na baby na kung saan, ayon kay Nika ay papangalanan nilang Pablo.

Photo credits: Patrick Garcia | IG

Maliban sa tatlong anak ni Patrick kay Nika, ay may isang lalaking anak pa si Patrick sa dating kasintahan na si Jennylyn Mercado, si Alex Jazz.

error: Content is protected !!