Connect with us

Entertainment

Mag-asawang Oyo Sotto at Kristine Hermosa, Masayang Sinalubong ang Pagdating ng Kanilang 5th Child na si Baby Vittorio Isaac

Abot langit ang pasasalamat at walang pagsidlan ng galak ang aktor na si Oyo Sotto matapos masilayan ang ika-limang anak nila ng kanyang asawang si Kristine Hermosa.

Credit: Kristine Hermosa | Instagram

Nito lamang ika-3 ng Agosto, bago sumapit ang alas dose ng gabi ay ligtas na isinilang ni Kristine ang isang malusog na baby boy na agad nilang pinangalanan ng Vittorio Isaac Sotto.

Sa Instagram ay ibinahagi ni Oyo ang dalawang larawan kung saan masisilayan ang mainit at puno ng kagalakang pagsalubong sa pagdating ng bagong miyembro ng kanilang pamilya na si Baby Vittorio Isaac. Sa unang larawan ay masisilayan ang mag-asawang Oyo at Kristine kasama ang kanilang new born baby habang nasa delivery room. Sa sumunod na larawan naman, ay makikita ang close up photo at solong larawan ni Baby Vittorio na sadyang napakacute pagmasdan.

Nilakipan naman ito ni Oyo ng caption na kung saan mababakas ang kanyang kasiyahan at labis na pasasalamat.

“Aug 3, 2021 11:47 p.m. Lord Jesus maraming salamat! You are faithful! Thank you for another answered prayer! Perfect timing ka talaga Lord, nakapag trabaho pa ako kaninang umaga.”

Credit: Oyo Sotto| Instagram

Pinasalamatan rin ni Oyo ang mga taong nagpaabot ng kanilang panalangin para sa ligtas na pagsilang ni Kristine kabilang na nga rito ang kanilang pamilya at mga kaibigan. Tinapos naman ni Oyo ang kanyang post sa isang matamis na “I love you” para sa kanyang asawa.

“To my family and friends, thank you for all of your prayers. I love you. Welcome to the world Vittorio Isaac. I love you khsotto.”

Marami namang nagpaabot ng pagbati sa natanggap na biyayang ito ng mag-asawa. Maliban sa kanilang mga tagahanga, ay makikita ring nagbigay ng komento ng pagbati ang mga kamag-anak ni Oyo at ni Kristine katulad na lamang nina Danica Sotto-Pingris, Gian and Ciara Sotto, Pauleen Luna-Sotto, at kapatid ni Kristine na si Kathleen Hermosa.

Credit: Oyo Sotto| Instagram

Matatandaan na noong nakaraang buwan ng Marso, nang ianunsiyo ng mag-asawa na isang baby boy ang inaasahan nilang bagong miyembro ng kanilang pamilya bilang kanilang panglimang anak.

Ang matamis na pag-iibigan nina Kristine at Oyo, ngayon nga ay nagbunga na ng limang anak na kung saan ay mas lalo pang magpapatatag ng kanilang pagmamahalan. Taong 2011 nang isilang ni Kristine ang kanilang panganay na anak na si Ondrea Bliss.

Sa nasabing taon rin, ay kinupkop ng mag-asawa ang kanilang adopted child na si Kristian Daniel. At pagsapit nang taong 2014, ay nasundan ito ng kanilang pangatlong anak na si Kaleb Hanns. 2016 naman nang isilang ni Kristine ang pang-apat nilang anak na si Vin.

Credit: Kristine Hermosa | Instagram

Nagsimulang maging malapit sa isa’t isa sina Kristine at Oyo matapos magkasama sa pelikulang “Enteng Kabisote” noong 2004. At matapos nga ang ilang taon, ang kanilang pag-iibigan ay tuluyang nauwi sa pag-iisang dibdib noong January 2011.

error: Content is protected !!