Connect with us

Entertainment

Mag-asawang Ogie at Regine Alcasid, Ibinahagi Ang Kanilang Nakakatawang Kwento Ng ‘Online Shopping Gone Wrong’

Marahil, marami sa atin ang nakakatamaran na ang magtungo sa pamilihan o mall upang mamili ng mga kailangan. Mas pinadali na rin ngayon ang pamimili dahil sa mga online shopping apps. Bukod sa madali mamili sa online, nakakatukso rin ang mga magagandang larawan na ginagamit sa pag-endorso ng mga produkto. Ngunit, sa katagalan natin sa pag-oonline shopping, may mga pagkakataon na nabibiktima tayo ng mga mapanglinlang na mga larawan online na akala natin ay kapareho ng hitsura sa ating inaasahan. Talagang mapapa-expectations vs reality ka na lang talaga pagdating ng produkto.

Maging ang mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid ay nabiktima rin ng mapanlinlang na larawan online, at natawa na lamang nang makita aktwal ang produkto.

Sa Instagram, ibinahagi ng mag-asawa ang kwento ng kanilang “online shopping gone wrong”, kung saan ay nilakipan nila ng larawan ng kanilang inorder at nakakatuwang caption na tila isang serye.

Sinimulan ni Regine ang post sa isang larawan ng kanyang asawa habang nasa katawan nito maliit ng donut floater.

“Malaki problema niya … hindi namin sure kung makakalabas siya dyan,”caption ng Asia’s Songbird sa post.

Sinundan naman ito ng post na nagbibigay ng update sa kanyang mga followers, ngunit sa pagkakataong ito ay isang video na ang ibinahagi ni Regine kung saan makikitang nakalutang sa swimming pool si Ogie habang gamit ang maliit na donut floater na tila pinilit lang pakasyahin sa katawan nito.

“Update ko lang kayo. Nag-enjoy muna sya magpalutanglutang habang nakasuot ang salbabidang maliit. Naka alis na po sya at ngayon ay masaya nang namumuhay na walang salbabida,” nakakatuwang caption ng post.

Tila naman nag-eenjoy si Regine na makita ang kanyang mga kaibigan na nasisiyahan sa kanyang paglalahad ng nakakatuwang kwento ng kanyang asawa at ng maliit donut floater nito. Kaya naman, ipinagpatuloy pa ng singer ang serye ng kwento sa pamamagitan ng isang larawan at nakakatuwang caption.

“Ito pa yung isang picture nya paiyak na tagala sya. Actually hindi ko alam kanino ako mag aalala, sa asawa ko ba na parang hindi na makahinga o sa salbabida? Katapusan mo na ba salbabida?Pero nakalabas naman sya so all is good paalala wala pong nasaktan o napahamak na salbabida habang ang kwentong ito ay nilalahad,”

Samantala, panahon na para kay Ogie ang sagotin ang katanungan ng mga mausisang netizens na nais malaman ang kwento sa likod ng maliit na donut floater. Kaya naman, isiniwalat na niya ito sa pamamagitan ng sarili niyang bersyon ng ‘expectation vs reality’ kung saan ibinahagi niya ang larawan ng produkto ng nasa online at larawan ng produkto na dumating sa kanilang tahanan na ginamit na niya ng aktwal.

“Yaman din lamang at naisiwalat na ng aking mahal ang mga kaganapan kahapon, eto po ang ang aking side. Umorder ako ng “donutlifesaver” sa lazada nguni’t laking gulat ko na eto ang dumating. Kaya ayan, pinilit kong gamitin,” caption sa post ni Ogie.

Ngunit, hindi naman nagpatalo si Ogie sa asawa niya sa pang-aalaska sa kanya kung kaya’t siya naman ang nagpost ng shopping gone wrong ng kanyang maybahay. Sa isang post nga, ibinahagi ni Ogie ang larawan ng asawa habang hawak ang isang maliit na kaldero na inorder online.

“Wag ka masyadong magmalaki mahal. Umorder ka ng kaldero na buong akala mo’y pagkalaki laki. But no, ang liit pala nya. Kaya ayan, sa background naka ngiti si donut salbabbida,”pagganting post ni Ogie sa asawa.

error: Content is protected !!