Connect with us

Entertainment

Silipin ang Napakagandang Maternity Shoot ng Wais na Misis na si Neri Naig

Espesyal ang pagdiriwang ng Mother’s day para sa negosyante at wais na Misis ni Chito Miranda na si Neri Naig Miranda. Ito nga ay dahil inanunsyo ng mag-asawa na ipinagbubuntis ni Neri ang kanilang 2nd baby. Ang limang taong gulang na anak nina Neri at Chito na si Miggy ay malapit na ngang maging ganap na kuya.

Sa Instagram ay ibinahagi ni Neri ang magandang balita na ito sa pamamagitan ng isang larawan kung saan masisilayan ang nakaumbok niyang baby bump. Napakaganda ng kuha ng larawan na kinunan sa isang beach sa Nasugbu, Batangas nang magbakasyon sila.

Credits: Neri Naig Miranda | Instagram

“Happy Mother’s Day. See you soon, our bunso,”caption ni Neri sa kanyang post.

Samantala, masaya ring inanunsyo ng Parokya ni Edgar vocalist na si Chito sa Instagram, na soon to be mother na ulit ang kanyang misis na si Neri. At para sa kanyang post, ay ibinahagi niya ang larawan kung saan makikitang nasa likuran siya ni Neri habang ginagaya ang posing nito. Nilakipan naman ito ng caption ni Chito kung saan mababakas ang labis na excitement sa parating nilang baby number two.

Credits: Neri Naig Miranda | Instagram

“Happy Mothers’ Day!!! Busog lang ako. Si Neri, magiging mommy na ulit….and again, “walaaaaang tulugaaaan!!!Pero sa totoo, excited na excited na ko hehe!”,saad ni Chito.

Maliban naman sa kanilang getaway photos sa beach noong Mother’s day, ay nagkaroon rin ng official photoshoot ang mag-asawang Neri at Chito, para sa pregancy journey ni Neri na binigyang katuparan ng Nice Print Photography.

Makikita naman sa mga kuha ng larawan na talagang proud parents ang mag-asawa, na nalalapit nang masilayan ang kanilang pangalawang anak. Kasama rin ni Neri sa kanilang photoshoot si Miggy na excited na ring makita ang kanyang kapatid.

Credits: Neri Naig Miranda | Instagram

Kapansin-pansin naman ang natatanging kagandahan ni Neri sa mga kuha ng larawan. Makikita nga ang ningning sa mga mata ni Neri at talaga namang blooming ang dating ng kanyang awra. Patunay lamang nga nito, ang hindi maitagong kaligayahan ni Neri habang dinadala sa sinapupunan ang kanyang anak.

Credits: Neri Naig Miranda | Instagram

Ang soon-to-be mom of two ay hindi maikakaila na excited at handa na rin sa pagdating ng kanilang pangalawang anak ni Chito. Tiyak na mas lalong magiging masaya at makulay ang loob ng kanilang tahanan sa nalalapit na paglabas ng kapatid ni Miggy, na nasundan matapos ang limang taon.

error: Content is protected !!