Connect with us

Entertainment

Mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes, Masayang Ipinagdiwang ang Kanilang ika-6th Wedding Anniversary sa Beach

Nakakakilig ang kanilang ka-sweetan at sadyang bagay na bagay sa isa’t isa. Isa nga sa mga celebrity couple sa showbiz na talagang hinahangaan ng publiko, ay ang mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes.




Nagsimulang makilala ang isa’t isa nang magkasama sa proyekto ng Kapuso network. Unang nagkasama ang dalawa sa Philippine adaptation ng Spanish teleserye na Marimar noong 2007. Magmula nga noon ay napa-ibig na nila ang isa’t isa na humantong sa pagiging magkasintahan noong 2010. Hindi naman nagtagal at noong 2012, ay inalok na ng kasal ng Kapuso Primetime King na si Dingdong, ang Kapuso Primetime Queen na si Marian.

Photo credits: Dingdong Dantes | Instagram

Photo credits: Dingdong Dantes | Instagram

Wala na ngang nakapigil pa sa pag-iisang dibdib ng dalawa, at noong Disyembre 30, 2014, ay naganap nga ang engrandeng kasalan sa Immaculate Concepcion Cathedral sa Quezon City. Ang kanilang masayang pagsasama naman ay biniyayaan ng dalawang anak, sina Zia at Sixto.

Photo credits: Dingdong Dantes | Instagram

At para sa pagdiriwang ng wedding anniversary ng lovely couple, na ngayon ay anim na taon nang nagsasama bilang mag-asawa, ay nagkaroon sila ng masayang bakasyon sa isang beach kasama ang kanilang dalawang anak na si Zia at Sixto. At ang kanilang naging bakasyon nga, ay napuno ng saya kung saan ay talagang enjoy na enjoy habang nasa beach. Hindi naman maikakaila na napaka-sweet pa rin sa isa’t isa ng mag-asawa, na animo’y bagong kasal pa lamang.

Photo credits: Dingdong Dantes | Instagram




Photo credits: Dingdong Dantes | Instagram

Samantala, hindi naman nawala ang kanilang sweet na pagbati sa isa’t isa para sa pagdiriwang ng anibersaryo ng kanilang kasal. Noong ika-30 ng Disyembre, sa Instagram ng mag-asawa, ay may simple ngunit sweet na mensahe ang bawat isa kung saan ay nilakipan ng parehong larawan na makikitang mahigpit na magkayakap.

“Obvious bang gigil na gigil pa rin ako sa iyo? Happy 6 years, my love! @marianrivera”,saad ni Dingdong na makikitang mahal na mahal ang asawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)

Simple naman ang naging caption sa post ng Spanish-Filipino actress na si Marian, pahayag nga nito:

“To my life… Happy 6th!”

Photo credits: Dingdong Dantes | Instagram

Hindi naman maikakaila na sa loob ng anim na taong pagsasama ng mag-asawa, ay talaga namang masisilayan ang kanilang labis na pagmamahal sa isa’t isa. At sa pamamagitan naman ng kanilang dalawang anak na sina Zia at Sixto, ay mas lalo pa nilang napagtibay ang kanilang pagsasama. Ang kanilang pamilya nga, ay larawan ng isang masayang pamilya na puno ng pagmamahal.

error: Content is protected !!