Connect with us

Entertainment

Mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes, Ipinasilip ang kanilang Sweet and Adorable Family Christmas Photoshoot

Kasabay nang masayang pagdiriwang ng kapaskuhan ay masisilayan ang masayang larawan ng pamilya ng mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes kasama ang kanilang mga anak na si Zia at Ziggy sa kanilang Instagram account.




Bago nga sumapit ang araw ng pasko nitong nakaraang Biyernes, ay masayang ibinahagi ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera, ang kanilang mga napakaganda at napaka-sweet tingnang mga larawan sa kanyang Instagram account.

“Sending some ❤️ and Happiness from our family to yours this holiday season! Mataimtim na Dasal para sa kaligtasan nating lahat,”caption ni Marian sa kanyang post kung saan ipinaabot ang kanyang pagbati para sa nalalapit na kapaskuhan.

Photo credits: Marian Rivera | Instagram

Napakaganda namang pagmasdan ng background ng kanilang family photoshoot na may holiday-themed. Kompleto nga ang set-up ng lokasyon kung saan ay may iba’t ibang klase at naggagandahang Christmas decor. Binagayan naman ito ng kanilang mga kasuotan kung saan ang mag-inang Marian at Zia ay parehong naka-white dress, samantalang ang mag-ama naman ay nakasuot ng simpleng damit na bumagay naman sa mga dekorasyon.

Makikita naman sa mga larawan ang labis na kasiyahan at pagmamahal ng kanilang pamilya. Ang unang larawan nga, ay larawan ng mag-asawang Marian at Dingdong na puno ng kasweetan habang nakayakap si Marian sa kanyang asawa. Masisilayan rin sa dalawa ang matamis na ngiti sa kanilang mga labi.

Photo credits: Marian Rivera | Instagram

May kuha rin ng larawan kung saan makikitang kompleto ang pamilya Dantes. Sa nasabing larawan naman, ay hindi maitago ang nakakatuwang reaksyon ni Zia nang makitang hinalikan ng kanyang Daddy Dingdong ang kanyang Mommy Marian. Tila nga kinikilig ito sa eksenang nasa kanyang harapan.




Samantala, sa pangatlong kuha naman larawan, ay makikita ang napakacute na si Zia na hindi maikakaila ang malaking pagkakahawig nito sa inang si Marian. Makikita itong prenteng nakaupo habang masayang nakangiti sa harap ng camera.


Hindi naman papahuli ang bunsong anak na si Ziggy na ipamalas ang kanyang ka-cutan sa mga kuha ng larawan. Kung si Marian nga ay “mini me” si Zia, si Ziggy naman ang nagsisilbing “mini me” ng kanyang Daddy Dingdong.

Dahil nga, talagang agaw-pansin ang napakagandang kuha ng larawan ng kanilang pamilya, kung saan masisilayan ang masayang pamilya na puno ng pagmamahal, ay bumuhos ang mga paghanga at papuri mula sa mga netizens.

error: Content is protected !!