Mag-asawang Manilyn Reynes At Aljohn Jimenez Kasama Ang Mga Anak Sa Japan Nagdiwang Ng Wedding Anniversary

Pangarap ng bawat isa sa atin ang makatagpo ng taong magmamahal at makakasama habang buhay. Taong handang magsakripisyo para sa pamilya at kayang harapin ang mga hamon at pagsubok sa buhay na aabot sa mahabang panahon.

Photo Instagram: Manilyn Reynes Official Facebook

Ito ay ang pagkakaron ng buhay may asawa At bahagi narin ng buhay mag-asawa ang ipagdiwang ang anibersayo ng kasal bawat taon upang upang alalahanin at muling sariwain ang pagmamahalan at tiwala sa isa’t isa.



Pagkatapos ng mga taong puno ng pagsubok ay may itinalagang panahon naman upang ipagdiwang ang anibersaryo ng mag-asawa kasama ang mga bunga ng kanilang pagmamahalan. At ito’y ang mga anak na silang kokompleto sa pamilya.

Photo Instagram: Manilyn Reynes Official Facebook

Kaya naman ang kilalang aktres na si Manilyn Reynes ay hindi nag-atubiling maglaan ng oras para sa kanyang asawa at mga anak upang ipagdiwang ang wedding anniversary nilang mag-asawa sa Japan.
Nitong January 3, nagpost sa kanyang social media account ang aktres tungkol sa pagdiriwang ng kanilang anibersaryo bilang mag-asawa . Ibinahagi rin nya ang isang masayang larawan ng kanyang pamilya na kasama ang kanilang tatlong anak na bunga ng kanilang pagmamahalan.

Photo Instagram: Manilyn Reynes Official Facebook
Photo Instagram: Manilyn Reynes Official Facebook

Nilakipan nya ang kanyang post ng caption na,

“Part po ng trip na ito ay ang celebration ng wedding anniversary naming ni Aljohn😊💕.Very thankful kami kay God sa aming 3 admirable boys😊. Ito po sila, youngest to eldest 😊 #themanalotosinjapan2020″.

Masarap at masayang makita na ang isang pamilya ay ipinagdiriwang ang anibersaryo ng kasal dahil ito’y nangangahulugan ng isang matatag at matagumpay na pagsasama ng mag-asawa. Makikita rin na puno ang mga ito ng pagmamahal sa bawat isa na mas lalong nagpapatibay sa kanilang samahan bilang pamilya.



Photo Instagram: Manilyn Reynes Official Facebook
Photo Instagram: Manilyn Reynes Official Facebook

Maraming netizens ang humanga sa pagmamahalan ng pamilya ni Manilyn kaya naman nag-iwan ang mga ito ng pagbati at mensahe. Basahin natin ang ilan:

“Happy Anniv po…tawang tawa kami ng family ko sa mga episodes ng pepito..fave talaga namin every sat night..😂😂😂”

“congrats po idol kita dati pa sa thats dimo lang alam kung san san ko sumasama mapanuod ko lang concernt mo guapo mga anak mo tas yong babae kamukha mo din love you idol”

“Hi idol miss na jud namo ang iyong pagkanta oi ug salamat kaau nga nakita na jud nko inyohang anak ni ALJON na pulos jud mga gwapo oi parehas ninyong duha gwapo ug gwapa, miss u guys”

“May forever po talaga❤❤Happy anniversary both of you parehas ko po kayo idol mag asawa.more love love love pa po❤😊”

“Happy Anniversary sa nyong mag asawa💕 Yong dating batang pinapanood ko sa That’s Entertainment meron ng mga gwapong anak😍”

Photo Instagram: Manilyn Reynes Official Facebook

Napakagandang basahin ang mga komento ng kanyang mga tagahanga at tagasuporta. Mapapa “Sana All” ka na lang talaga dahil talaga namang biniyayaan si Manilyn ng isang masaya at mapagmahal na pamilya.