Connect with us

Entertainment

Mag-asawang Lovely Abella at Benj Manalo, Masayang Ibinahagi na Nakabili na ng Napakagandang Bahay na Bunga ng Kanilang Kasipagan sa Pag-oonline Selling

Isang patunay ng kasabihang “kapag may tiyaga, may nilaga” ang mag-asawang sina Lovely Abella at Benj Manalo matapos makamit ang pinapangarap na bahay dahil sa kanilang kasipagan sa pag-oonline selling.

Hindi naman maikakaila na matinding hirap ang nararanasan ng marami dahil sa pandemya. At sa panahon ngang ito ay nasubok ang diskarte ng marami kung paano kikita ng pera upang matustusan ang pang-araw-araw na pangangailangan.

Photo credits: lovelyabella | IG

Sa kabila naman ng pandemya, ay maraming pangarap ang naisakatuparan dahil sa kanilang kasipagan at pagtatyaga. Isa na nga rito ang mag-asawang Benj at Lovely na talagang pumatok ang kanilang pag-oonline selling ng mga produkto tulad ng mga bag.

Photo credits: lovelyabella | IG

Ang BenLy’s online shop ang naging daan ng mag-asawa upang matupad ang kanilang pangarap. At naging matagumpay nga ang kanilang negosyo dahil narin sa kanilang magandang diskarte, kasipagan at pagtutulungan bilang mag-asawa. Kaya naman, nakapagpundar sila ng bago at napakagandang bahay.

Sa tagumpay na tinatamasa ng mag-asawa ay kasama nila ang kanilang masugid na mga suki na walang sawang sumusuporta at tumatangkilik sa kanilang produkto. Kaya naman, sa social media ay ipinaabot ng mag-asawang Benj at Lovely ang kanilang taos pusong pasasalamat sa kanilang mga suki.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Benj Manalo (@benj)

Unang ibinahagi ni Benj sa Facebook ang kanyang mensahe kalakip ang larawan ng kanilang bagong bahay.

“Mga Zuki, andito ako para maging INSPIRASYON ng kapwa ko online seller,”aniya.

Sa nasabing post, ay ipinaliwanag rin ni Benj ang tungkol sa mga negatibong komento na kanilang natatanggap mula sa ibang tao. Ilan nga sa mga ito, ay artista daw sila kung kaya’t marami ang nanonood at tumatangkilik sa kanilang mga ibinibentang paninda kahit na napakamahal raw ng presyo.

Photo credits: lovelyabella | IG

Dagdag pa ni Benj, ay pinaghirapan nila anuman ang tinatamasang tagumpay nila ngayon. Hindi rin biro ang kanilang hirap sa pag-oonline selling dahil kulang sila sa tulog, na minsan nga ay 3 hanggang 4 na oras lamang ang tulog at pahinga dahil sa pag-aasikaso sa kanilang negosyo. Hindi rin biro ang kanilang ginagawa sa pag-oonline selling na inaabot ng apat ng oras kakasalita sa harap ng mga viewers habang naka-live sa Facebook.

Nais nga ng mag-asawa na maging inspirasyon sa iba pang online sellers na kapag may tiyaga ay may nilaga. Ibig sabihin nga nito na kapag nagsumikap at hindi sumuko sa pag-abot ng mga pangarap, ay matutupad ito.

Photo credits: lovelyabella | IG

Samantala, ang aktres naman na si Lovely, ay ibinahagi rin ng larawan ng kanilang bagong bahay na katas ng pag-oonline selling sa Instagram. Sa kanyang post ay pinasalamatan niya ang mga taong nasa likod ng tinatamasang tagumpay ngayon ng kanilang pamilya. Hindi nga halos makapaniwala si Lovely na nagawa nila ng kanyang asawa na matupad ang pangarap na magkaroon ng sariling bahay.

Inulan naman ng pagbati mula sa mga netizens ang mag-asawa sa nakamit nilang tagumpay.

“Congratz & mor blessings 2 come gwapa”

“sobrang nakakaPROUD! SALUDO ako sa sipag at tyaga nio “

“You really deserved it dahil masipag kayo mghanap buhay”

“deserve nio yan kc sobrang bait nyong dalawa”

error: Content is protected !!