Connect with us

Entertainment

Mag-asawang Korina Sanchez at Mar Roxas, Masayang Ipinagdiwang ang 2nd Birthday ng Kanilang Kambal na Anak na sina Pepe at Pilar sa Kanilang Tahanan

Sa kabila ng krisis at pandemyang nararanasan ng sambayanan, ay hindi naman ito dahilan upang masayang ipagdiwang ang mga espesyal na araw tulad ng birthday. Dahil nga, minsan lang ito mangyari sa buhay natin kada taon, ay talagang pinaghahandaan itong mabuti.

Ngunit, ngayong panahon ng pandemya ay mas minabuti ng karamihan na sa loob na lamang ng kanilang tahanan magkaroon ng simple pero masayang selebrasyon.




Katulad na lamang nga ng mag-asawang sina Korina Sanchez at Mar Roxas, na masayang ipinagdiwang sa loob ng kanilang tahanan ang ika-2nd birthday ng kanilang kambal na anak na sina Pepe at Pilar.

Tila nga kaybilis ng paglipas ng mga araw, dahil ang kambal na anak nina Korina at Mar, ay ipinagdiwang noong ika-12 ng Pebrero ang ikadalawang taong kaarawan kung saan ay dalawang araw na ipinagdiwang. At sa espesyal na araw na ito, ay naghanda ng simpleng selebrasyon ang mag-asawa sa kanilang tahanan.

Sa Instagram, ay ipinasilip naman ni Korina ang masayang kaganapan sa kanilang simpleng selebrasyon.

“My twins’ lockdown 2nd birthday was super simple but so meaningful and happy for all of us. 🎂🎂Just family around, lotsa balloons, 2 small cakes (thank you Tita Florabel) spaghetti and barbecue and theyre GOOOOD. We also danced to VST & Company 😂.”

Makikita sa maikling video ang pag-ihip ng kambal ng kandila sa kani-kanilang cake. Napapalamutian rin ng kulay asul na lobo ang venue sa kanilang bahay. Bukod sa 2 pirasong cake ay may handa ring spaghetti at barquecue. Bagama’t simple, ay makikita namang masaya at nag-enjoy ang bawat isa sa birthday party ng kambal.

Dagdag pa nga ni Korina, ay hindi umano kailangan ng engrandeng okasyon upang mapasaya ang kanilang mga anak.

“Goes to show we need not have too grand an event to make children happy.”

Sa hiwalay namang post ay ibinahagi ni Korina ang video ng Humpty Dumpy at Cocomelon themed cake. Ito nga ang pangalawang araw ng selebrasyon ng 2nd birthday nina Pepe at Pilar.




“The babies’ lockdown 2nd birthday party was a hit with just balloons and cake. But these cakes from StarDust are really sooo adorable. Pepe en Pilar are into Humpty Dumpty these days, also Coco Melon. So each of them had one. Another chance to blow the candle! Si Manang Pilar panay saway kay Pepe.😂💋🎂 #PepeEnPilarAt2💚”

Matatandaan na noong 2019 ay naging ganap na mga magulang sina Korina at Mar nang isilang sina Pepe at Pilar sa United States sa pamamagitan ng gestational surrogacy.

error: Content is protected !!