Connect with us

Entertainment

Mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, Sinurpresa ng kanilang mga Anak ng Isang Romantic Dinner Date sa Pagdiriwang ng Valentine’s Day

Isang napakatamis at nag-uumapaw sa kilig ang naging pagdiriwang ng Araw ng mga Puso ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo noong ika-14 ng Pebrero, araw ng Linggo.

Kung ang ilan nga, ay abala sa kanilang diskarte at pakulo upang mapasaya ang kanilang mga mahal sa buhay sa Araw ng mga Puso, ang celebrity couple naman na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, ay napakapalad sapagkat ang espesyal na araw na ito, ay binigyang kulay ng kanilang mga anak.




Noong ika-14 ng Pebrero, ay sinurpresa sina Juday at Ryan ng kanilang mga anak na sina Yohan, Lucho, at Luna ng isang romantic dinner date sa loob ng kanilang tahanan.

Sa Instagram, ay ibinahagi ng celebrity couple ang sweet gift na handog sa kanila ng kanilang mga anak. Sa Instagram post nga ni Juday, ay proud ibinahagi ng aktres, ang effort na ginawa ng kanilang mga anak, upang maging masaya at romantiko ang kanilang Valentine’s day.

Photo credits: officialjuday | IG

Sa caption ng post ni Juday, inisa-isa niya ang mga ginawa ng kanilang mga anak. At dahil nga sa planado, at todo effort na surpresa, ay talagang labis ang pasasalamat ni Juday sa pagkakaroon ng mabubuti at mapagmahal na mga anak.

“We have the sweetest kid. they surprised us with a lovely home cooked meal complete with sounds, invitation, dinner with candle lights! The works! Lucho is the executive chef (he cooked our steak perfectly!) ate Yo is the pastry chef ( she made peanut butter ala mode) and Luna as the lady guard who also made the truffle pasta ( ginalingan e! Binantayan pala kami habang natutulog!) truly the BEST DATE EVAH! Thank you Lord for blessing us with such wonderful kids!”

Samantala, nagbahagi rin si Ryan sa Instagram ng kanyang post kung saan ay sinabi ng TV Host, na ito na nga ang pinakabest na Valentine’s day.

“Best Valentines Evah. at the R.O.R-Restaurant of Romance The Chef, Pastry Chef and Lady Guard.”




Talaga nga namang napakapalad ng mag-asawang Juday at Ryan sa pagkakaroon ng mabubuti at mapagmahal na mga anak. At dahil nga sa kanilang mga anak, ay isang masaya at romantikong Valentine’s day, ang kanilang naranasan na hindi nila makakalimutan.

Matatandaan na ikinasal nina Juday at Ryan noong taong 2009. Bago pa man isilang ni Juday noong 2010 ang biological nilang anak ni Ryan na si Lucho, ay nauna nang dumating sa buhay nila ang adopted child na si Yohan. At noong 2016 naman, ay nasundan na si Lucho ng isang napakacute na baby girl na si Luna.

error: Content is protected !!