Connect with us

Entertainment

Mag-asawang John Prats at Isabel Oli, Masayang Sinalubong ang Pagdating ni Baby Forest sa kanilang Pamilya, ang Pangatlo nilang Anak

Published

on

Ang isa nga sa hinihiling ng isang ina habang dinadala sa kanyang sinapupunan ang ipinagkaloob na sanggol ay ang makapanganak ng maayos at ligtas sa kapahamakan silang mag-ina.

Kaya naman, labis ang kaligayahan ng isang ina at kanyang pamilya kapag naging matagumpay ang kanyang panganganak. Ang lahat naman ng sakit at hirap na naranasan habang nanganganak ay mapapawi naman kapag nasilayan na isang malusog at napakacute na baby.




Marami na nga sa mga celebrity moms ang nagbahagi ng kanilang masayang karanasan sa panganganak matapos masilayan ang kanilang malusog at napakacute na baby. Kabilang na nga rito ang aktres na si Isabel Oli na kamakailan ay nanganak sa pangatlong anak nila ng asawang aktor na si John Prats.

Photo credits: Johnprats | Instagram

Ito nga ay kinumpirma ni John Prats sa Instagram noong araw ng Lunes, July 20, kung saan nagbahagi ang aktor ng larawan ng munting paa ng kanilang baby. Labis nga ang kaligayahan at pagkasabik ng aktor na si John Prats na masilayan at mayakap ang kanilang bagong miyembro ng kanilang pamilya na isang napakacute na baby girl na pinangalanan nilang Forest.




Sa post nga ng aktor, makikita na noong July 17, 2020 nga matagumpay na isinilang ni Isabel ang napakacute na si Baby Forest.

“My Forest 7•17•20. Malapit na kita mayakap”,

Photo credits: Johnprats | Instagram

bakas nga ang excitement sa caption ng aktor.

Samantala, matatandaan na noong May 30, ay nagkaroon ng gender reveal ang mag-asawa na kanilang ibinahagi sa isang vlog. At sa pangatlong pagkakataon nga, ang biyayang ipinagkaloob sa kanilang pamilya ay isang baby girl.

“Biniyayaan kami ng isa pang bata. Ito si Baby #3. Ano handa na ba kayong makilala siya? Ladies and gentlemen, ito na po ang aming Baby #3. It’s a baby girl.”

Photo credits: Johnprats | Instagram

Hindi naman maitatanggi na mas lalong magiging makulay at masaya ang kanilang pamilya sa pagdating ni Baby Forest. May dalawa ng anak sina John Prats at Isabel Oli, na talaga namang nagmana rin sa kanilang mga magulang na maganda at gwapo. Si Feather, ang napakaganda nilang panganay na anak, at si Freedom naman ang gwapo at dating bunsong anak, na ngayon nga pangalawa na sa kanilang magkakapatid at napapagitnaan na ngayon ng dalawang babae, sa pagdating ni Baby Forest, ang kanilang bunsong anak ngayon.

Congratulations Isabel at John Prats!

error: Content is protected !!