Connect with us

Entertainment

Mag-asawang Jessy Mendiola At Luis Manzano, Ibinahagi ang Naging Masaya nilang Pagsalubong sa Bagong Taon Sa Baguio sa Bago nilang Vlog

Hindi nagpahuli ang aktres at modelong si Jessy Mendiola ang ibahagi sa kanyang mga tagahanga ang masayang selebrasyon ng kanilang pamilya noong nagdaang holiday season. At sa latest vlog ng aktres na mapapanood sa kanyang YouTube channel ay makikitang ibinahagi niya ang kanilang masayang pagsalubong ng bagong taon sa Baguio.

Photo credits to the owner

Makikita na nakasama ni Jessy ang kanyang asawang si Luis Manzano at kanilang alagang aso na si Sky pati na rin ang kanilang pamilya at mga kaibigan. Samantala, ayon naman sa mag-asawa ay naisip nilang sa Baguio salubungin ang New Year dahil noong nakaraang taon ay sa beach sila nagdiwang. At dahil malamig naman ang klima sa Baguio ay masarap naman talagang ipagdiwang dito ang bagong taon.

Photo credits to the owner

Dagdag pa ng mag-asawa, ay inilayo nila sa ingay ang kanilang alagang aso dahil alam nilang mai-stress ito kapag nakarinig ng ingay. Nais rin ng mag-asawa ang magkapagpahinga at magrelaks, kaya naman tamang-tama talagang sa isang bahay bakasyunan sa Baguio sila tumuloy.

Photo credits to the owner

Sa nasabing vlog nga ay ipinakita ni Jessy ang masayang kaganapan ng kanilang pananatili sa loob ng tatlong araw sa Baguio. Kapansin-pansin naman ang suot ni Luis na nakasando at shorts lamang sa kabila ng malamig na panahon. Biro nga ni Jessy, ay tila pang beach ang outfit ni Luis samantalang siya ay balot na balot ang suot.

Photo credits to the owner

Kahit naman nasa bakasyon, ay hindi parin nawala kay Jessy ang kanyang pagwo-work out para mapanatili ang kanyang fit at napakaseksing katawan. Sa taglay na kaseksihan nga ng kanyang misis kung saan masisilayan ang abs nito, ay talagang napahanga si Luis.

Naging sentro naman ng atensyon ng mag-asawang Jessy at Luis ang kanilang alagang aso na si Sky. Napakacute naman talaga at napakalambing pa nito. Binabantay rin nilang mabuti si Sky dahil nga nakikipag-away ito sa isang pang aso na si Queso. At biro pa nga ni Luis ay talagang goal nila na mapagbati ang dalawang aso na madalas mag-away.

Photo credits to the owner

Maliban naman sa masarap na pagkain na talaga namang nakakatakam, ay nabusog rin sila sa masaya nilang kwentuhan. Pagsapit naman ng New Year’ s eve, ay isang masaganang dinner ng kanilang pinagsaluhan.

Agaw pansin rin sa nasabing vlog ng aktres ang nag-uumapaw na kasweetan ng mag-asawang Jessy at Luis na kung saan nga ay damang-dama ang init ng kanilang pagmamahal sa isa’t isa sa kanilang mga yakap at halik. Kaya naman, ang kanilang mga tagahanga ay todo ang kilig matapos masilayan ang sweet moments ng mag-asawa.

Photo credits to the owner

Samantala, sa isang Facebook post naman ay ibinahagi ni Jessy ang positibong pananaw sa pagsalubong ng taong 2022. Kalakip nga ang sweet photos nila Luis, ay ibinahagi ni Jessy ang kanyang mensahe para sa lahat.

“Each new year is filled with new beginnings, make sure you make the most out of this one. God blessed us with another year to stand back up and try again. So learn to let go and leave all the pain, heartaches and negativities in 2021.”

“Reconnect with your faith, accept the past and appreciate your life. You only have one soul, cherish it. May 2022 be a magical year for all of us. Wishing you love, peace and happiness. Happy new year, everyone!”

error: Content is protected !!