Connect with us

Entertainment

Mag-asawang Jessy Mendiola at Luis Manzano, Ipinasilip Ang Kanilang Rental Home Na Magsisilbi Nilang Pansamantalang Tahanan

Ang matamis na pagmamahalang pinagsaluhan ng magkasintahan at ngayon nga ay mag-asawa nang sina Jessy Mendiola at Luis Manzano ay nauwi sa pag-iisang dibdib nito lamang taon buwan ng Pebrero na naganap sa Batangas.

Tila handa na rin silang bumuo ng kanilang sariling pamilya matapos ang kanilang kasal. At ang una ngang hakbang ay ang magpatayo ng bahay na kanilang magiging tahanan. Ngunit, sa ngayon ay ipinapagawa pa ng mag-asawa ang kanilang dream house. Kaya naman, nagpasya muna silang humanap ng isang rental home na magsisilbi nilang pansamantalang tirahan habang hindi pa natatapos ang kanilang dream house.

At kamakailan lamang nga, sa bagong vlog na inilabas ni Jessy na mapapanood sa kanyang YouTube channel ay kanyang ipinasilip ang nahanap nilang rental home na magiging tahanan nila sa loob ng dalawang taon habang pinapagawa pa ang bahay nila. Ito nga isang 4-bedroom rental home, at sa limang bahay na kanilang pinuntahan ay ito ang kanilang nagustuhan.

Photo credits: Jessie Mendiola | Youtube

Pagkukwento naman ng mag-asawa sa vlog, ay hindi muna nila pinupuno ng mga kagamitan ang kanilang pansamantalang tirahan. Ito nga ay dahil ayaw nilang masira ang nakalaang budget para sa kanilang ipinapagawang dream house. Dagdag pa nga ni Jessy, ay dalawa lang naman sila ng kanyang asawang si Luis, kung kaya’t ayaw rin nila ng napakalaking bahay.

“Ayaw din namin ng sobrang laki na bahay eh kaming dalawa lang naman,”saad ni Jessy.

Mapapansin naman na bagama’t walang masyadong kagamitan ang loob ng bahay, ay makikita naman rito ang magagandang painting collection ni Luis na obra ng ilang sikat na Filipino artist tulad nina Erwin Borlongan at Ramon Orlina.

Photo credits: Jessie Mendiola | Youtube

Photo credits: Jessie Mendiola | Youtube

Photo credits: Jessie Mendiola | Youtube

Ibinahagi rin ng mag-asawa ang isa sa bahagi ng bahay na kanilang pinakanagustuhan. At ito nga ang malawak na garden na matatagpuan sa likod bahay. Sa ganda at lawak nito ay maaaring maglaro rito ang kanilang mga alagang aso. Matatagpuan rin sa likod ng bahay ang nagsisilbing outdoor gym ni Luis.

Photo credits: Jessie Mendiola | Youtube

Photo credits: Jessie Mendiola | Youtube

Samantala, may personal space namang inilaan si Jessy para sa kanyang sarili na tinawag niyang “Cloffice” o ang kanyang closet at office. Dito nakatago ang kanyang mga kagamitan, at ito na rin ang magsisilbi niyang opisina kung saan siya nagmumuni-muni para sa content ng kanyang YouTube Channel.

Photo credits: Jessie Mendiola | Youtube

Ayon naman sa mag-asawa, ay baka abutin sila ng dalawang taon hanggang tatlong taon sa paninirahan sa rental home habang hindi pa natatapos ang kanilang ipinapagawang bahay. Nagbiro naman ang aktres, na baka raw dito na sila makabuo ng kanilang panganay, at dito nga bumuo ng pamilya.

Sa huli ay nagbigay naman ng payo ang mag-asawa sa kanilang mga tagasubaybay na bagong kasal. Ayon nga sa mag-asawa, kapag tulad nilang naghahanap ng mauupahang bahay ay mahalaga na iwasan ang gumastos ng malaki habang nagpapagawa ng bahay.  Maganda rin na matiyak na maayos at komportable ang magsisilbing pansamantalang tirahan.

error: Content is protected !!