Connect with us

Entertainment

Mag-asawang Jennylyn Mercado At Dennis Trillo, Ipinasilip Ang Kanilang Napakagandang Container House Na Matatagpuan Sa Kabundukan Ng Rizal

Sa pagsisimula ng lumalaking pamilya ng mag-asawang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, ay kailangan nila ng isang maayos na bahay. Kaya naman, bago pa sila ikinasal noong nakaraang buwan ng Nobyembre, ay ibinunyag ng celebrity couple na sinimulan na nila ang pagpapagawa sa bago nilang bahay na matatagpuan sa mountain side ng Rizal.

Credits: jennylyn Mercado | YT

Ang nabili nilang property na ito ay may sukat na mahigit 1000 square meters. At nito lamang ika-18 ng Disyembre, ay ipinasilip at nagbigay ng update ang mag-asawa sa on going construction ng kanilang hideaway home na ngayon nga ay nasa 70% na ang natatapos.

Sa kanilang vlog na pinamagatang “Hideaway”, ay masayang ipinasilip ng mag-asawa ang kanilang bagong tahanan na matatagpuan sa kabundukan ng Rizal. Ayon kay Dennis, ay pitong buwan na ang nakakaraan nang magsimula ang construction ng kanilang bagong bahay.

Credits: jennylyn Mercado | YT

“Pupunta tayo sa bundok para silipin ang aming mountain hideaway. 7 months ago, nagsimula ang construction ng aming bahay para sa aming lumalaking pamilya and now samahan niyo kami bisitahin ang aming future home.”

Sa nasabing vlog ay ibinahagi naman ni Dennis ang dahilan kung bakit ito ang napili nilang lokasyon para pagtayuan ng bahay para sa kanilang lumalaking pamilya. Ayon nga kay Dennis, ay perfect location ito dahil bukod sa sariwang ngayon na malalasap nila sa lugar, ay presko ring ang mga pagkain dito.

“Naisip namin, magiging beneficial para sa amin na dito mag-stay kasi presko ang hangin, presko ang pagkain, ito ang perfect location para magpatayo ng bagong bahay sa aming lumalaking pamilya,”saad ng aktor.

Credits: jennylyn Mercado | YT

Nakasama naman nina Jennylyn at Dennis ang mga magulang ng aktor sa kanilang pagbisita sa kanilang future home. Pag-amin namam ni Dennis ay hindi niya maitago sa kanyang mukha ang labis na kaligayahang kanyang nadarama.

Samantala, sa kanilang paglilibot sa loob ng napakagandang container house, ay ipinakita ng celebrity couple ang mga bahagi nito. Sa ground floor ay makikita ang kitchen at dining area, pati na rin ang kanilang living room at entertainment space maging ang kanilang guest room.

Credits: jennylyn Mercado | YT

Sa ikalawang palapag naman matatagpuan ng silid ng bawat miyembro ng kanilang pamilya. Makikita dito ang sariling silid ng mag-asawang Jennylyn at Dennis. May inilaan rin silang silid para kay Jazz na anak ni Jen kay Patrick Garcia at Calix na anak naman ni Dennis sa dating beauty queen-actress na Carlene Aguilar-Ocampo. At siyempre, pinaghahandaan na rin nila ang pagdating ng bagong miyembro ng kanilang pamilya na kasalukuyang nasa sinapupunan ni Jen. Ngayon nga, ay may nakahanda ng nursery room ang kanilang baby sa kanilang bagong bahay.

Matatandaan na nitong ika-15 ng Nobyembre nang ikasal sina Jennylyn at Dennis sa pamamagitan ng isang intimate civil wedding ceremony. Naganap naman ang gender reveal party para sa kanilang baby noong ika-26 ng Nobyembre. At nalaman na isang baby girl ang inaasahan ng celebrity couple na darating sa kanilang pamilya sa susunod na taon.

error: Content is protected !!