Connect with us

Entertainment

Mag-asawang Erwan Heusaff at Anne Curtis, Nag-rent ng Tiny House Para sa Kanilang Masayang Adventure Kasama si Baby Dahlia

Tahimik, walang anumang ingay kundi ingay na nagmumula sa kalikasan. Walang ibang tao, kundi tanging silang pamilya lamang. Ganito nga ang naging kaganapan sa bagong adventure ng mag-asawang Erwan Heusaff at Anne Curtis nitong weekends.




Sa muling pagbabalik ni Erwan sa mga bagay na kanyang nakahiligan tulad ng paggawa ng travel film, kasama ang asawang si Anne, ay tila buhay na buhay ngayon ang content creator. Ito nga ay dahil hindi lamang ang asawang si Anne ang kanyang makakasama, kundi pati na rin ang kanilang napakacute na anak na si Baby Dahlia.

Photo credits: Erwan Heausaff | Instagram

At upang isakatuparan ang isang masayang travel adventure, ay nag-rent ang mag-asawa ng maliit na bahay sa Australia, na malayo sa kabihasnan kung saan ay tanging ganda ng kalikasan ang masisilayan at huni ng mga hayop ang tanging maririnig. Ito nga ay inilarawan ng mag-asawa na “place of absolute focus.”

Photo credits: Erwan Heausaff | Instagram

“It’s like when you’re hiking in a forest and all you can hear is the echo of your own footsteps, constantly looking behind you seeing if you’re being followed yet walking forward on a rhythmic beat,”pahayag ni Erwan.

Sa latest vlog ni Erwan, ipinasilip niya ang mga naging kaganapan sa kanilang travel adventure. Makikita nga na tila relax na relax ang pamilya sa kanilang weekend getaway. Ang mag-inang Anne at Baby Dahlia ay naka-twinning outfit na talagang enjoy na enjoy sa kanilang ginagawa. Maliban nga sa pagpapainit sa init ng araw, ay masaya rin silang nag-picnic. Nag-enjoy rin sa pagha-hiking ang mag-ina. Hindi nga maikakaila na talagang napakasaya ng kanilang bonding.

Photo credits: Erwan Heausaff | Instagram




Samantala, ibinahagi naman ni Anne sa Instagram ang kanilang masayang getaway.

“no reception. No other people. Just [their] little fam, some goats, and kangaroos.”

Photo credits: Erwan Heausaff | Instagram

Sa hiwalay namang Instagram post, makikita na magkasama si Anne at Baby Dahlia, habang nasa gitna ng mga wildflowers. Nilakipan naman ito ni Anne ng caption na:

“Like wildflowers; You must allow yourself to grow in all the places people never thought you would – E.V”

Sa naging travel adventure ng pamilya nina Erwan at Anne, hindi maikakaila na nag-enjoy ang bawat isa. At hindi lamang travel film ang nagawa ni Erwan para sa kanyang content, kundi nakabuo rin sila ng masayang alaala na kanilang alalahanin pagdating ng panahon.

error: Content is protected !!