Connect with us

Entertainment

Mag-asawang Ellen Adarna at Derek Ramsay, Ipinasilip ang Naging Masaya at Kakaibang Bakasyon Experience sa Napakagandang Bansa ng Bolivia

Isa sa mga pinakakontrebersyal na naging magkarelasyon sa showbiz ay ang mag-asawa na, ngayon na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay. Matatandaan kasi ilang buwan lamang matapos na ma-link sa isa’t isa ang dalawa ay kaagad na silang nagdesisyon na magpakasal sa isa’t isa, na talaga namang ikinagulat at ikinamangha ng marami.

Sa kabila naman ng mga kontrobesiya na pinagdaanan ng dalawa, ay patuloy naman nilang pinatunayan sa publiko ang pagmamahal sa isa’t isa. Sa katunayan nito lamang unang linggo ng buwan ng Nobyembre ay ipinagdiwang na ng mag-asawang Ellen at Derek ang unang taong anibersaryo nila bilang mag-asawa.

Matatandaan na sina Ellen at Derek ay ikinasal noong nakaraang buwan ng Nobyembre taong 2021 sa Rancho Bernardo Luxury Villas and Resort in Bagac, Bataan, ito ay matapos nilang ma-engage sa isa’t isa sa parehong taon din ngunit ito ay naganap sa buwan ng Marso.

Samantala, tulad ng ibang mga mag-asawa, ay masaya ding ipinagdiwang nina Ellen at Derek ang unang anibersaryo ng kanilang kasal, kung saan pinili nilang ito ay ipagdiwang sa pamamagitan ng pagbabaksyon nilang dalawa sa South Africa.

Photo credits: Derek Ramsay | IG

Photo credits: Derek Ramsay | IG

Photo credits: Derek Ramsay | IG

Makikita sa Instagram account nina Ellen at Derek ang naging pagpapasilip nila ng naging masayang pagbabakasyon at pamamasyal nila sa iba’t ibang magagandang lugar sa South Africa, labilang na dito ang Bolivia.

Pagbibiro naman ni Derek, tila naman talagang meant to be sila ng kanyang misis na si Ellen, sapagkat sa kanilang mga bakasyon, ay hindi pa nila naranasan ang magtalo o mag-away.

“We still haven’t fought! Meant to be talaga,” pagbibiro ng aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Derek Ramsay (@ramsayderek07)

Masisilip naman sa ibang mga larawan na ibinahagi ng mag-asawa sa kanilang Instagram, ang larawan kung saan makikita silang dalawa na magkasamang ine-enjoy ang napakagandang sunset sa Bolivia, habang sila ay nakasakay sa nirentahan nilang bisekleta.

Photo credits: Derek Ramsay | IG

Photo credits: Derek Ramsay | IG

Maliban pa dito, ay ibinahagi din nila ang mga iba pa nilang napuntahan sa Bolivia, tulad na lamang ng isa sa mga atraksyon sa lugar, ang famous salt flats.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Derek Ramsay (@ramsayderek07)

Ibinahagi naman ng aktres na si Ellen Adarna kung bakit hindi nila isinama sa trip nilang ito ang kanyang anak na si Elias, at dahil nga umano ito sa high altitude ng South American nation na maaring magdulot ng pagka-distress.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Derek Ramsay (@ramsayderek07)

Saad pa niya, habang sila’y nagbabakasyon ng mister niyang si Derek, ay kasalukuyan namang nasa grandparent nito sa Cebu ang anak niyang si Elias, kung saan masaya itong nakaka-bonding ang kanyang mga pinsan at iba pang mga kamag-anak.

error: Content is protected !!