Connect with us

Entertainment

Mag-asawang Drew Arellano at Iya Villania, Masayang Ipinagdiwang Ang Kanilang 8th Wedding Anniversary

Ang mag-asawang sina Drew Arellano at Iya Villania ay patuloy na pinapahanga ang publiko sa matatag nilang samahan, at walang kupas nilang pagmamahalan. At kamakailan lamang nga, ay masayang ipinagdiwang ng celebrity couple ang kanilang 8th wedding anniversary at 18 na taong pagsasama para ipadama ang kanilang wagas na pag-ibig sa isa’t isa.

Photo Credits: Drew Arellano | IG

Hindi nga pinalampas ng mag-asawa ang pagkakataon na batiin ang isa’t isa sa kanilang espesyal na araw. Isang sweet at nakakatuwang mensahe ang ipinaabot ni Iya kay Drew, kung saan nga ay nagbahagi ang TV host ng throwback photo at video sa kanyang Instagram account. Ang nasabing throwback photo at video ay kuha sa pinakamemorable na kaganapan sa kanilang buhay nang mag-propose si Drew kay Iya matapos ang halos sampung taong pagiging magkasintahan.

Photo Credits: Drew Arellano | IG

“Took awhile for it to sink in when you finally proposed (even if I was waiting in anticipation during the trip!) But I think now, with 3 kids in and another on the way, it couldn’t be more real what a life I have with you, love drewarellano [Drew Arellano] 18 years together, 8 years married and still forever to go Love you beb, happy anniversary.”

Photo Credits: Drew Arellano | IG

Nagbalik-tanaw naman si Iya sa sweet at nakakatuwang ganap nang mag-propose si Drew sa kanya noon.

“He was supposed to propose to me on the dock in the background (right where my nose is), but it was so cold I didn’t want to go there so instead, he proposed to me in the castle that no one else really wanted to go to but me. Also, he was struggling trying to keep it a surprise from me because I kept on asking where he’d propose!”

Photo Credits: Drew Arellano | IG

Marami naman sa kanilang mga kaibigan sa showbiz ang nagpaabot ng pagbati sa pagdiriwang ng kanilang anibersaryo. Kabilang sa mga ito sina Dominic Roque, Ryan Agoncillio, Max Collins, Mars Pa More host Camille Prats, Chef Jose Sarasola, Unang Hirit host na si Lyn Ching-Pascua at marami pang iba.

Photo Credits: Drew Arellano | IG

Simpleng pagbati naman na puno ng pagmamahal ang ipinaabot ni Drew kay Iya sa kanyang Instagram account.

“8 to infinity ! Happy anniversary, iyavillania Iya Villania.”

Hindi naman talaga maikakaila na puno ng saya at pagmamahalan ng mag-asawang Iya at Drew. Walang duda kung bakit biniyayaan ang kanilang pagsasama ng tatlong anak, at ngayong taon nga ay parating pa ang isang sanggol sa kanilang pamilya.

Photo Credits: Drew Arellano | IG

Ang kanilang tatlong anak na ngayon ay nagbibigay saya at kulay sa kanilang pamilya ay sina Antonio Primo, Alonzo Leon, at Alana Lauren. Matatandaan na noong ika-3 ng Enero na inanunsyo ng celebrity couple na ngayong taong 2022, ay inaasahan nila ang pagdating ng kanilang ikaapat na anak.

error: Content is protected !!