Connect with us

Entertainment

Mag-asawang Dianne Medina at Rodjun Cruz, Ibinahagi ang Kanilang Sikreto Sa Tamang Paghawak Ng Pera

Mahalaga sa mag-asawa ang may plano para sa future ng kanilang pamilya. At ang mga pangarap ng pamilya ay nakasalalay sa tamang paghawak ng pera. Kaya naman, may mga bagay na dapat isaalang-alang. Katulad na lamang nga ng mag-asawang Dianne Medina at Rodjun Cruz na talagang pinaghandaan ang lahat bago sila bumuo ng pamilya.

Photo Credits to the owner

At kamakailan lamang nga, ay ibinahagi ng mag-asawa ang kanilang sikreto sa tamang paghawak ng pera. Pagbubunyag nga nina Dianne at Rodjun bago pa sila ikasal ay may joint account na sila at nagsimula nang mag-ipon. At dahil nga alam na umano nilang sila talaga ang para sa isa’t isa, ay hindi na sila nagdalawang isip pang kumuha ng joint account.

Photo Credits to the owner

Ibinahagi rin ni Rodjun na pagdating sa paghawak ng pera ay si Dianne talaga ang magaling samantalang siya raw talaga noon ay Y.O.L.O (You Only Live Once). Ngunit, dahil kay Dianne ay natuto na rin siyang humawak ng pera at ngayon nga ay nag-iipon na para sa future ng kanilang anak na si Baby Joaquin. Ayon pa kay Rodjun, ngayong mag-asawa na sila ay nagtutulungan sila sa pagba-budget at mga gastusin sa loob ng bahay.

“Gusto naming mabigyan siya ng magandang future so bina-budget talaga namin,” kwento ni Rodjun.

“’Yung kinikita ko, binibigay ko kay Dianne. “Siya ‘yung nagba-budget, pero alam ko naman din kung saan napupunta ang mga iyon at tumutulong din ako sa kanya. Team talaga kami sa pagpapatakbo dito sa bahay,”bida pa nito.

Photo Credits to the owner

Naitanong naman sa mag-asawa kung paano ang kanilang joint account kung sakaling dumating ang puntong maghiwalay sila. At dito na nga sumagot si Dianne kung saan ay ibinahagi niya ang mga bagay na kanilang ginawa para maabot ang kanilang financial goals. Inisa-isa nga ng celebrity mom ang kanilang pinagtulungan para maabot ang kanilang mga pangarap.

Isa naman sa pinakamahalaga sa kanilang mag-asawa na susi ng kanilang maayos na buhay ngayon ay ang team work nilang dalawa. At dahil nga sa kanilang pagtutulungan at suporta sa isa’t isa ay nakamit nga nila ang kanilang financial goals.

Photo Credits to the owner

Kahanga-hanga naman talaga ang kanilang team work sa paghawak ng pera. At isa ngang patunay dito, na nauna nilang naipundar ang kanilang napakagandang bahay bago sila nagpakasal. Tila nga nasa plano na ang lahat, dahil bago sila magpasayang magpakasal ay tiniyak muna nilang may isang tahanan silang uuwian pagkatapos ng kanilang pag-iisang dibdib.

Ang lahat ng hirap at sakripisyo ng mag-asawa sa kanilang trabaho, ay tinitiyak nilang may pinupuntahan. At dahil sa kanilang tamang paghawak ng pera ay makikita nga na nakamit ng mag-asawa ang buhay na nais nila.

error: Content is protected !!