Connect with us

Entertainment

Mag-asawang Dating Nangungupahan, Nakapagpatayo Ng Kanilang Dream House At Naging Matagumpay Sa Buhay Matapos Ang Limang Taon

Tunay nga na ang pag-abot sa pangarap na minimithi sa buhay ay hindi lamang nasusukat sa kung pano kumita ng pera, bagkus ay kinakailangan natin ng tamang diskarte kung paano hawakan at gamitin ang perang kinikita mula sa ating pinagpaguran.




Karamihan sa mga taong nagtagumpay sa buhay ay nagkaroon ng tamang pagpapahalaga at paggamit sa kanilang perang pinaghirapan kung kaya’t ang kanilang pangarap na magkaroon ng maganda at maayos na tahanan ay kanilang nakamit at mas lalo pang naging matagumpay sa buhay.

Kagaya na lamang ng mag-asawang nasa likod ng facebook page na George and Chin Inspirations na sina George Bedia Anas at Chin Bandila-Anas kung saan ibinahagi ang kanilang nakakainspire na storya at pakikipagsapalaran sa buhay upang matupad ang kanilang mga pangarap at maging matagumpay sa buhay. Kung saan kanilang ipinakita ang kanilang dating pamumuhay sa pamamagitan ng larawan ng kanilang dating tirahan bago makamit ang pangarap na bahay.

Noong 2015, ang mag-asawa ay naninirahan lamang sa isang bahay na kanilang inuupahan. Bagamat maganda at maayos naman ang bahay ay hindi nila ito pagmamay-ari, kung kaya’t ang mag-asawa ay nangarap na magkaroon malaki at maayos na bahay at higit sa lahat ay maituturing na sarili nilang bahay. Ngunit, sino nga ba ang mag-aakala na ang pangarap nilang ito ay agad nilang makakamit sa loob lamang ng limang taon? Dahil nga sa kanilang pagsusumikap, nagtagumpay sila sa kanilang negosyo at nakapagpundar ng isang napakalaki at napakagandang bahay na may dalawang palapag.

Sa post ng mag-asawa sa kanilang blog, ibinahagi nila ang dalawang larawan kung saan makikita ang dalawang bahay. Ang isa nga sa larawan ay ang bahay na dati nilang inuupahan noong 2015 samantalang ang isa naman ay ang bahay kung saan sila nakatira ngayon. Ang napakaganda na may dalawang palapag na bahay ay may rooftop rin kung saan matatanaw ang magandang tanawin sa kanilang lugar.




Ang modernong bahay ay talagang napakaganda ng desinyo at makikita rin ang dalawang sasakyan na nakaparada. Ang isang sasakyan ay nakaparada sa garahe, at ang isa naman ay nasa gilid ng kalye. Walang duda na pagmamay-ari ang mga ito ng mag-asawa.

Ayon naman kay George, swerte umano siya sa pagkakaroon ng hindi maluhong asawa at kontento na sa mga ukay-ukay, isang bagay na nakatulong sa kanila para makapag-ipon at matupad ang kanilang pangarap.

“We were stingy in terms of our expenditures. I’m just lucky to have married a wife who doesn’t have a predilection over branded stuff, luxury handbags and shoes. Her happiness and simple joy is a trip to Ukay-ukay on a Sunday.

Honestly, I consider it as one of the foundations of our success over the years. Those sacrifices: saying no to promo fares, online shopping, 3-day sale, impulsive financial decisions and more, have somehow led us to a comfortable life today.”

Ngunit, bago pa man narating ang tagumpay, dumaan sila sa mga pagsubok at nabaon pa sa pagkakautang.

Narito ang post ni George sa kanilang page.

“Chin and I share a common struggle 5 years back. She used to depend on a corned beef value pack worth Php7.00 as an employee earning minimum wage while I depended on pancit canton as unemployed to survive the week. I sold siomai, pizza roll, hotdog bun, etc. for a living while finding a decent job.
People were laughing but we didn’t really care. We started as a team and we made it through life’s battles as a team. Some think we’re lucky to be living the life we have now but the truth is, before we were able to enjoy the finer things that we have today, we’ve had to go through the worst.”

Dahil sa kanilang pagtyatiyaga at pagsusumikap sa buhay na kung saan ay magkasamang hinarap ang mga pagsubok patungo sa tagumpay, hindi nga sila nabigo at kanila ngang nakamit ang pangarap na minimithi.




Ang mag-asawa ang founder ng Suretrust Group Inc., isang bagong kumpanya na may kaugnayan sa auto loans, visa, travel services at realty. At ngayon nga ay isa ng matagumpay at multi-million company na namamayagpag sa Pilipinas.

Ang mag-asawa rin ay naging mga motivational speaker kung saan kanilang ibinabahagi ang storya ng kanilang tagumpay sa pamamagitan ng kanilang libro at blog.

error: Content is protected !!