Connect with us

Uncategorized

Mag-asawang Coleen Garcia at Billy Crawford, Ipinasilip Ang Kanilang Halloween Costumes, Nagbihis Ala-Pokemon Character Kasama Si Baby Amari

Nasa gitna parin ng nararanasang pandemya ang lahat ngunit hindi naman ito hadlang para ipagdiwang ang Halloween season na isa sa pinakainaabangang selebrasyon kada taon. Tuwing katapusan ng buwan ng Oktubre ginaganap ang espesyal na okasyon na ito na naging bahagi na ng kultura ng mga Pinoy.

Kaya naman, para maging makulay ang pagdiriwang na ito ay kanya-kanya nang isip ng karakter na kung saan nga ay kailangan ng malawak na imahinasyon para sa napakagandang Halloween customes. At nitong nagdaang Halloween nga, ay talagang nagpatalbugan ang mga sikat na artista sa showbiz ng kani-kanilang Halloween customes na kanilang ibinahagi sa kanilang social media accounts.

Kung ang nakagawian ng marami ay ang mga nakakatakot na Halloween customes, ngayon nga ay napapanahon at patok na patok ang mga customes kung saan ginagaya ang mga karakter sa mga movies o kaya naman ay mga super heroes.

Katulad na lamang nga pamilya ng mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia kasama ang kanilang napakacute na si Baby Amari na talagang handang-handa para sa kanilang halloween costumes. At para nga ngayong taon, ay naisipan ng kanilang pamilya ang magbihis bilang mga karakter sa Japanese anime TV series na “Pokemon”.

Sa Instagram, ay ibinahagi ni Coleen ang kanilang napakacute na larawan suot ang kanilang halloween costumes. Makikita na si Billy ay nagbihis bilang si Ash, si Coleen naman ay bilang si Misty at ang napakacute na si Baby Amari ang nagbihis bilang si Snorlax. Sa nasabing larawan ay nakasama rin nila si Joy na nagbihis bilang si Nurse Joy at kapatid ng aktres na si Luis Garcia na siyang ginaya naman ay si Charmander.

Hindi naman nagpahuli sa pagsusuot ng kanyang halloween customes at talagang nakisali rin ang alagang aso ng celebrity couple na si Tamomo na nagbihis naman bilang Pikachu.

Dahil nga sa napakacute tingnan ng kanilang pamilya sa kanilang halloween customes ay talaga namang agaw pansin ito sa mga netizens. Kung kaya’t, inulan ng positibo at puno ng papuring komento ang masabing IG post ni Coleen.

“Loving the Pokemon theme. Cute Snorlax.”
“Si tamomo talaga ang best in costume”
“Ay family goals talaga”

Hindi naman maikakaila na walang pinapalampas na sandali ang mag-asawang Coleen at Billy sa milestone ng kanilang napakacute na anak na si Baby Amari. Na kung saan nga, anumang mahalagang okasyon ay ipagdiriwang nila kasama ang kanilang anak, at siyempre hindi rin mawawala ang kanilang alagang aso na si Tamomo. Matatandaan na nitong nakaraang buwan ng Oktubre lamang nang ipagdiwang ni Baby Amari ang kanyang 1st birthday.

error: Content is protected !!