Connect with us

Showbiz

Mag-asawang Coleen Garcia at Billy Crawford, Ibinahagi Kung Bakit Amari Jaden ang Napili nilang Pangalan para sa Kanilang Panganay na Anak

Matapos ang siyam na buwang pagbubuntis ng isang ina sa kanyang dinadalang sanggol sa kanyang sinapupunan, isa rin sa pinaghahandaan ng mga magulang ay ang mabigyan ng espesyal na pangalan ang kanilang anak.

Isang pangalan na may magandang ibig sabihin, may simbolo at espesyal na pangalang dadalhin nila hanggang sa kanilang pagtanda. Ang bawat pangalan nga, na ibinigay sa atin ng ating mga magulang ay talagang espesyal dahil ito’y kanilang pinag-isipang mabuti.




Ang ilan ngang pangalan ay hango sa pinaghalong pangalan ng mga magulang. May ilan din namang kinuha sa mga iniidolo nila, at ilan naman ay hango sa pangalan ng nasa Bibliya. Sa pagdaan naman ng panahon, ay marami ng paraan upang makahanap na magaganda at espesyal na pangalan para sa mga mahal nating anak sa tulong ng internet.

Ang pangalan ng ating mga anak ay karapat-dapat lamang na maging espesyal, dahil ang pangalan na ito ay dadalhin nila hanggang sa pagtanda, at ito rin ang magsisilbing simbolo ng kanilang pagkatao.

Kaya naman, ang first-time parents na sina Coleen Garcia at Billy Crawford ay binigyan ng espesyal na pangalan ang kanilang panganay na anak. At nito lamang Setyembre 28, sa panayam kay Billy ni Vice Ganda, ay masaya nitong ibininahagi kung bakit Amari Jaden ang napili nilang pangalan para sa kanilang anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Billy Crawford (@billycrawford) on

Ayon nga kay Billy, ay matagal na daw niyang nasa isip ang pangalang “Amari” at ito talaga ang nais niyang ipangalan sa kanilang magiging anak dahil sa maganda nitong kahulugan. Kapag babae ay may kahulugan itong “promised by God”, at kapag lalaki ay “strength” naman ang ibig sabihin nito.

“Matagal na sa ulo ko ang Amari. Sabi ko lang sa kanya before pa na kapag nagkaroon kami ng lalaki, gusto ko ipangalan Amari. Ni-research ko yung pangalan. Kapag babae, promised by God. Kapag lalaki naman, it means strength”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coleen Garcia Crawford (@coleen) on

Samantalang ang pangalan namang “Jaden” ay si Coleen ang nakaisip na may kahulugan namang “thankful”.

“Gusto namin na habang tumatanda siya, maalala niya na at this moment, ito yung pinaka-thankful talaga namin kasi sobra sobra, halos araw-araw umiiyak kami.”




Ibinahagi naman ni Coleen sa panayam, kung bakit mas pinili niya ang water birth nang isilang si Baby Amari. Ito ay dahil nais niyang makasama ang asawa at nasa tabi niya ito habang siya’y nanganganak sa kanilang panganay na anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Billy Crawford (@billycrawford) on

“Yun talaga ang gusto ko. Gusto ko walang meds and gusto ko water birth pero sa hospital. Kaya lang since COVID, bawal ang water birth sa hospital. So hindi siya naging option. Nalulungkot na lang ako nang nalulungkot kasi bawal si Billy sa delivery room. Gusto ko talaga na nandoon siya. Parang naging malaking deciding factor din yun, na gusto ko kasama si Billy talaga sa moment na yun.”

Matatandaan na ipinanganak ni Coleen ang kanilang panganak na anak ni Billy noong Setyembre 10, na talaga namang napakacute at napakalusog. Ngayon nga, ay mas lalong naging makulay ang kanilang pamilya sa pagdating ng kanilang munting anghel na si Baby Amari Jaden.

error: Content is protected !!