Connect with us

Entertainment

Mag-asawang Chito Miranda At Neri Naig, Masayang Ipinagdiwang Ang One Month Birthday Ng Kanilang Bunsong Anak na si Baby Cash

Sa pagdating ng pangalawang anak ng celebrity couple na sina Chito Miranda at Neri Naig ay mas lalo nilang nadama ang pagiging isang magulang. Mas dumoble nga ang saya at mas lalong naging makulay ang buhay ng mag-asawa.

Kaya naman, walang pinapalampas na sandali ang mag-asawang Chito at Neri para ipagdiwang ang pagdating ng kanilang napakacute na baby boy na pinangalanan nilang Manuel Alfonso o Baby Cash.

Nito lamang ika-8 Nobyembre ay masayang ipinagdiwang ng mag-asawang Neri at Chito ang one month birthday ni Baby Cash. Kung saan nga ay ipinaabot ng celebrity couple ang kanilang nakakaantig na mensahe para sa kanilang bunso na kanilang idinaan sa Instagram post.

Sa post ng madiskarteng misis na si Neri sa kanyang Instagram, ay makikitang ibinahagi niya ang napakacute na larawan ni Baby Cash. Bakas naman sa caption ni Neri, ang kanyang tuwa dahil malusog na malusog ang kanyang anak. Sa huli nga, ay hindi nakalimutang sambitin ni Neri kung gaano niya kamahal ang kanyang anak.

“Isang buwan ka na, anak! Pero mukha kang tatlong buwan sa laki mo. Basta healthy ka, ok lang maging bochog palagi. Mahal na mahal ka namin, anak!”

Sa mabilis na paglipas ng panahon, ay tila handa na ring isabak ni Neri si Baby Cash sa isang endorsement. Hindi nga maitago ni Neri ang kanyang excitement sa nalalapit at kauna-unahang endorsement ni Baby Cash.

Samanatala, kalakip ang kaparehong larawan ay naging pabiro naman ang naging caption ng post ni Chito bilang mensahe sa pagdiriwang ng one month birthday ni Baby Cash. Ayon nga sa bokalista, ay tila raw isang “bossing” ang kanilang bunsong si Baby Cash.

“Bossing eh. One month na palang nagpapaka-siga si Cash sa mundo namin. Ngayon pa lang, hinahanda ko na ang sarili kong mapatawag sa principal’s office. Mukhang bully eh.”

“Joke lang po mga mahal na netizens. Napakabait po ni Cash: tumutulong sya sa chores, palaging nagsasabi ng ‘po’, ‘opo’, ‘please’, at ‘thank you’, matulungin sa kapwa, magalang sa mga nakakatanda, at nagso-sorry tuwing umiiyak siya ng malakas. Machomacho eh.”

Matatandaan na noong nakaraang buwan ng Oktubre nang masayang salubungin ng mag-asawang Chito at Neri ang pagdating ng kanilang bunsong anak na si Baby Cash. Kasabay naman ng pagdiriwang ng Mother’s day noong nakaraang buwan ng Mayo nang isapubliko ni Neri ang kanyang pagbubuntis. Sa isang Instagram post, ay ibinahagi ni Neri ang kanyang larawan kung saan makikita ang kanyang nakaumbok na baby bump.

Dalawang beses ikinasal sina Neri at Chito noong 2014. Una nga ay isang civil wedding ceremony at ito’y nasundan ng isang garden wedding ceremony na naganap sa Tagaytay. At ngayon nga ay pitong taon nang masayang nagsasama bilang mag-asawa ang celebrity couple. Agad namang biniyayaan ng isang supling ang kanilang pagsasama. Ito nga ang panganay nilang anak na si Miggy na isinilang ni Neri noong 2016.

error: Content is protected !!