Connect with us

Entertainment

Mag-asawang Chesca at Doug Kramer, Hinangaan Ng Publiko Matapos Mamahagi Ng Libreng Gamot Sa Mga Nangangailangan

Ang pamilyang Kramer o mas kilala sa tawag na Team Kramer ay binubuo ng mag-asawang sina Chesca at Doug Kramer, at kanilang tatlong anak na sina Clair Kendra, Scarlett Louvelle at Gavin Phoenix. Ang kanilang pamilya ay kilala bilang mga endorser ng iba’t ibang klase ng produkto.

Photo credits to the owner

At isa nga sila sa endorser ng kilalang brand ng gamot na paracetamol. Kaya naman sa pagdami ng mga nagkakasakit matapos ang holiday season, ay hindi nagdalawang isip ang mag-asawang Chesca at Doug na mamahagi ng libreng gamot sa mga nangangailangan.

Photo credits to the owner

Sa pagpasok ng bagong taon ay marami ang nagkakasakit katulad na lamang ng ubo, sipon at lagnat. Dahil nga sa hindi mabilang nagkakasakit, ay marami rin ang nangangailangan ng gamot kung saan nga ay nagkakaubusan na ng gamot sa mga botika at iba pang bilihan ng gamot. Kumalat rin sa social media ang mga larawan na kung saan makikitang may nakapaskil sa labas ng botika na out of stock na ang mga gamot na hinahanap ng karamihan.

Photo credits to the owner

At nang makita at mabalitaan ito ng mag-asawang Chesca at Doug na endorser ng gamot, ay hindi sila nagdalawang isip na mamahagi ng gamot na paracetamol sa mga nangangailangan. Nagmabuting loob nga silang magbigay ng Paracetamol Tempra sa mga batang may sakit.

Sa Instagram ay makikitang ibinahagi ng actress-vlogger na si Chesca ang isang video kung saan makikita ang isang kahon na naglalaman ng nasabing gamot. Ayon nga sa mag-asawa, ay ipapamahagi nila ang nasabing gamot sa kanilang mga tagahanga na nangangailangan ng gamot. May sapat naman nang supply silang iniwan para sa kanilang mga anak.

“We have Paracetamol Tempra Forte for you guys. We know there’s been a shortage,” pahayag ni Doug.

Photo credits to the owner

Sa kanyang post naman, ay sinabi ni Chesca kung paano makakakuha ng gamot mula sa kanila. Ayon nga sa aktres, ay dalawang piraso ng gamot ang matatanggap ng sinumang magbibigay ng kanilang detalye.

“We left just enough stock for our kids. We’re giving the rest for your children. We’ll give 2 each of these Tempra Paracetamol syrup to you guys who will DM or leave their details.”

Pagdating naman sa pagpapadala ng gamot, ay sinabi naman ng mag-asawa na sagot na nila ito ngunit limitado lamang ito sa mga lugar sa loob ng Metro Manila.

Photo credits to the owner

Dahil nga sa kabutihang puso ng mag-asawang Chesca at Doug na hindi nagdalawang isip na maghatid ng tulong sa mga nangangailangan, ay marami ang humanga sa kanila. Sa ganitong panahon nga na laganap ang sakit, ay mahalaga na alagaan nating mabuti ang ating mga sarili. At napakahalaga nga na may mga stocks tayo ng gamot sa loob ng ating mga tahanan lalo na’t kailangan natin ito pagdating ng mga hindi inaasahang sitwasyon.

error: Content is protected !!