Connect with us

Entertainment

Mag-asawang Camille Prats At VJ Yambao, Masayang Ipinagdiwang Ang Kanilang Ika-9th Anniversary

Hindi maitatanggi na ang pagmamahalan ng mag-asawang sina Camille Prats at VJ Yambao ay mas lalong pinatibay at pinatatag sa pagdaan ng panahon. At bilang mag-asawa na labis ang pagmamahal sa isa’t isa, ay hindi nila nakakalimutang ipagdiwang ang espesyal na araw kung kailan nagsimula ang matamis nilang pag-iibigan.

Noong ika-1 ng Disyembre, ay masayang ipinagdiwang ng mag-asawang Camille at VJ ang kanilang ika-9 na taong pag-iibigan. Magmula nga nang maging sila, ay talagang damang-dama ni Camille ang pagmamahal sa kanya ni VJ.

Makikita nga sa mga larawang ibinahagi ni Camille sa Instagram na siya’y kilig na kilig matapos siyang surpresahin ng kanyang mapagmahal na mister ng isang romantic dinner date at napakalaking bouquet of red roses. Masisilayan nga sa mga larawan ang kaligayan ng mag-asawa sa pagdiriwang ng kanilang anibersayo.

Ang mga larawan naman na masisilayan rin ang nag-uumapaw nilang kasweetan na bukod sa makikitang magkayakap, ay may sweet kiss rin silang pinagsaluhan. Kalakip naman ang kanilang sweet photos, ay isang nakakaantig na mensahe naman ang ipinaabot ni Camille para batiin si VJ sa kanilang anibersaryo. Sa bawat kataga nga ng mensahe ng aktres ay talagang madadama ang kanyang pagmamahal para sa kanyang asawa.

“9 years later. Still unpretentious, always authentic and just simply being me when I’m with you. 9 years came by so easy, love. Can’t wait to see the adventures we’ll take together as we grow deeper in faith and closer to the One who made our paths meet. This one’s definitely You.”

Hindi naman nagpahuli si VJ sa pagbibigay ng sweet message sa kanyang misis upang batiin ito. Sa kanyang post nga, ay pinasalamatan ni VJ si Camille, dahil sa loob ng siyam na taon ay nagsilbi itong “Queen” ng kanyang buhay.

“Trust in your Queen. She makes moves the King can’t. Happy anniversary my love! Grateful for solid 9 years together and still counting, excited to see what He has in store for us, let’s cling To The One who is in control.”

Matatandaan na noong January 2017, nang ikasal sina Camille at VJ sa pamamagitan ng isang civil wedding ceremony na naganap sa isang resort sa Batangas na pagmamay-ari ng pamilya ng aktres.

Sina Camille at VJ ay dating magkaklse sa grade school. At sa muli nilang pagtatagpo noong 2012, ay hindi na nga nila pinakawalan pa ang isa’t isa. Matapos ang dalawang taong relasyon, ay naengaged na sila noong July 2012. At ngayon nga ay masayang-masaya ang kanilang pamilya kapiling ang kanilang mga anak. Sina Camille at VJ ay may dalawang anak na sina Nala at Nolan.

Matatandaan naman na bago dumating sa buhay ni Camille si VJ, ay nauna niyang napangasawa si Anthony Linsangan. Ngunit, hindi nagtagal ang kanilang pagsasama matapos nitong pumanaw dahil sa cancer. Sila ay nagkaroon ng isang anak, si Nathan.

error: Content is protected !!