Connect with us

Entertainment

Mag-asawang Boyet Ahmee at Dimples Romana, Ibinahagi Sa Publiko ang Gender Ng Kanilang 3rd Baby

Marami ang natuwa sa mga kaibigan at tagahanga ng aktres na si Dimples Romana, dahil sa wakas nga ay muling biniyayaan ang pagsasama nila ng kanyang mister na si Boyet Ahmee ng isa pang supling.

Photo credits: Dimple Romana| IG

Matatandaan na noong ika-18 ng Marso nang ibahagi ni Dimples sa publiko ang kanyang 3rd pregnancy. Ang masayang balitang ito ay idinaan ng aktres sa pamamagitan ng isang Instagram post. Sa kanyang Instagram post kalakip ang kanyang larawan kung saan masisilayan ang nakaumbok na baby bump ay nag-reflect ang celebrity mom sa kanyang pagbubuntis sa kanyang 3rd baby ngayong siya’y nasa 3rd trimester na.

Photo credits: Dimple Romana| IG

Ayon nga kay Dimples ang kanyang 3rd pregnancy ay “signaled so many new beginnings and ends” bilang isang babae. At ang bagong journey niyang ito ay nagturo sa kanyan na “EMBRACE the FIRE and LIGHT”. Kapansin-pansin naman na tinawag ni Dimples ang kanyang anak ng “Baby E”.

Photo credits: Dimple Romana| IG

Samantala, sa milestone ni Dimples bilang soon to be mother of three, ay hindi rin niya nakalimutang magkaroon ng isang gender reveal party para sa kanyang pangatlong anak. Nito lamang ika-27 nang Marso nga ay isinagawa ang gender reveal party para sa ikatlong anak ng mag-asawang Boyet Ahmee at Dimples Romana. Ang kanilang espesyal na selebrasyon naman ay dinaluhan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan sa showbiz.

Photo credits: Dimple Romana| IG

Makikita nga sa social media na ilan sa kaibigan ni Dimples ang nagbahagi ng masayang kaganapan sa gender reveal party. At isa nga sa mga nanguna sa pag-anunsyo ng gender ng 3rd baby ni Dimples ay ang kanyang malapit na kaibigan na si Angel Locsin. Sa naganap na gender reveal party ay napag-alaman na ang gender ng 3rd baby nina Dimples at Boyet ay lalaki.

Photo credits: Dimple Romana| IG

Maliban naman sa Instagram stories ni Angel kung saan masisilayan ang masayang larawan ng pamilya ni Dimples, ay nagbahagi rin siya ng larawan sa Instagram kung saan naman makikitang magkakasama silang magkakaibigan. Naroon nga ang asawa ni Angel na si Neil Arce, at ang magkasintahang sina Gerald Napoles at Kim Molina.

Photo credits: Angel Locsin| IG

Isang araw naman bago maganap ang gender reveal party, ay kinuha naman ni Dimples ang pagkakataon para naman makasama ang kanyang panganay na anak na si Callie.

Isang Instagram post nga ang inihandog ni Dimples para kay Callie dahil nitong nakaraang Linggo ang huling araw ng dalaga sa Manila. Si Callie kasi ay papasok na sa kolehiyo, kung saan nga para matupad ang kanyang pangarap na maging isang piloto ay lilipad siya patungong Australia para mag-aral ng Aviation.

Photo credits: Dimple Romana| IG

Hindi nga maiwasan ni Dimples ang malungkot sa pag-alis ng kanyang anak, ngunit sa kabila nito ay buong puso naman ang kanyang pagsuporta sa pangarap ng kanyang panganay.

“Last day before my little one callieahmee leaves for college.”

“Today I gain a deeper understanding of LOVE and PARENTING. We give birth to our children, raise them to know love and feel it. We make sure their roots to home are deep and steady.”

“And when the TIME IS RIGHT, and for us that’s NOW, we give them wings to fly. A bittersweet kind of learning for me as a mom.”

“Today ate callieahmee we celebrate the wings you have just put on. We sing, we love, we cry, we conquer…Pag balik mo may Kapitan na sa unahan ng pangalan na yan.”

error: Content is protected !!