Connect with us

Entertainment

Mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia, Nagkaroon ng Family Photoshoot para sa 7 Month Celebration ni Baby Amari

Magmula nang dumating sa buhay ng mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia ang kanilang cute and adorable baby na si Baby Amari, ay talaga namang napuno ng saya ang kanilang pamilya.

Bawat sandali nga, ay walang pinalampas ang celebrity couple upang masaksihan ang milestone ng kanilang nagsisilbing bundle of joy. Tila nga kaybilis ng paglipas ng panahon, dahil ang napakacute na si Baby Amari ngayon nga ay 7 months old na.

At upang ipagdiwang ang espesyal na araw ni Baby Amari, ay isang family photoshoot ang isinagawa ng mag-asawa. Sa kani-kanilang Instagram, ay ibinahagi ng celebrity couple ang kanilang family photo. Makikita nga na naka-topless si Baby Amari, maging ang kanyang Daddy Billy at Mommy Coleen.

Sa isang post nga ni Billy, ay ibinahagi na hindi niya alintana ang pananatili sa loob ng ng kanilang tahanan ngayong lockdown, kung isang napakacute na 7 months old baby boy ang kanyang kasama.

“Lockdown? No problem staying at home cause tomorrow is this little man’s 7th month! Gosh you grow up so fast. Mommy and Daddy loves you so so much you little precious cute bugga,”pahayag ni Billy.

Samantalang si Coleen naman ay may mensahe kay Baby Amari na bakas ang kaligayahan dahil kanyang nasaksihan ang milestone nito sa loob ng pitong buwan. At hindi naman maikakaila na talagang naenjoy nila ng kanyang pamilya ang bawat sandaling kasama ang cute and adorable na si Baby Amari.

“Best 7 months ever for us! Our squishy little boy has a big personality and is so fun to be with. It just keeps getting better and better with him. Happy 7th, my baby,” caption ni Coleen.

Nagpasalamat naman si Coleen sa photography company na Stork Studio na nagbigay ng magandang set up ng kanilang photoshoot na ginanap sa kanilang tahanan.

“I’m glad we got to join him for a few shots this time. I love documenting milestones to keep forever, and were able to take some nice, studio-quality photos without having to leave the house”.

Matatandaan na isinilang ni Coleen si Baby Amari sa loob ng kanilang tahanan sa pamamagitan ng water birth delivery noong nakaraang taon 2020, buwan ng Setyembre.

Ang dalawang taong pagsasama nina Coleen at Billy bilang mag-asawa ay lalo naman talagang napapasaya at nabibigyang kulay ng kanilang napakacute na anak na si Baby Amari.

error: Content is protected !!