Connect with us

Entertainment

Mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia, Ipinasilip ang kanilang Puno nang Sayang Gender Reveal Party Online

Published

on

Isa nga sa pinakainaabangan ng mag-asawa ay ang kasarian ng kanilang magiging anak. At ngayong taon nga, nakahanay na sa mga nag-aabang ang mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia na talagang hindi maitago ang excitement sa nalalapit na pagdating ng kanilang supling.




Karamihan nga sa atin ay nasaksihan na ang kanilang love story, magsimula sa pagiging love team hanggang sa sila’y ikinasal at ngayon nga, kasama pa rin tayo sa panibagong yugto ng kanilang buhay sa pagbuo ng kanilang pamilya.

Ang sanggol sa sinapupunan ni Coleen ang magiging first baby nila, kaya naman talagang mahirap mapigilan ang excitement na nadarama ng mag-asawa. Maging ang kanilang mga kaibigan, mga tagahanga at mga netizens ay nakaabang rin at excited sa magiging baby nila. Ngunit, ito kaya ay isang Little Billy o kaya naman ay Little Coleen?

Ang inaabangan nga ng lahat ay inihayag na ni Coleen sa kanyang Instagram Account. Makikita sa post na tapos na nga ang ginawang gender reveal party at baby shower na kung saan ay punong-puno ng saya. Labis ang kaligayahang nadarama ni Coleen dahil sa wakas ay naibahagi na niya sa kanilang mga tagahanga ang magandang balita.




Agaw pansin ang larawan ni Coleen kung saan ay makikita ang kulay asul sa kanyang kamay at kulay asul rin na lipstick sa kanyang mga labi. Kulay na sumisimbolo sa kasarian ng isang lalaki. Tila ang inaabangan ng lahat ay naihayag na nga. At ang inaabangan ng lahat ay isang Little Billy. Baby Boy nga ang sanggol na nasa sinapupunan ngayon ni Coleen.

#BabyCisaHE💙💙💙 Thank you to everyone who joined our baby shower/gender reveal today! We’re so happy we finally get to share this with you! Thank you to @the_gfete and @gideonhermosa for making today possible! Photo by @theboudoirdolls 😍 They’re releasing the whole set of maternity photos tomorrow. Can’t wait!,” saad ni Coleen sa IG post.

Marami ang natuwa sa magandang balitang hatid ni Coleen. Maging ang mga netizens ay labis rin ang tuwa at pagpaabot rin ng pagbati at mensahe ang mga ito sa mag-asawa, sa kanilang baby boy.




Tiyak rin na ang soon to be parents na sina Coleen at Billy ay gagawin ang lahat para sa kanilang munting anghel. Magiging mabuting magulang, mapagmahal at responsableng magulang sa kanilang magiging panganay.

Congratulations Billy and Coleen!

error: Content is protected !!