Connect with us

Stories

Mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia, Ibinahagi ang Kanilang Water Birth Experience sa Kanilang Bahay Nang Isilang si Baby Amari

Hindi biro ang magsilang ng isang sanggol ng ligtas. Bukod nga sa matinding sakit na mararamdaman, ay iba rin ang hatid na pangamba sa maaaring mangyari habang nanganganak. Kaya naman, may ilan na talagang ginagawa ang lahat upang maibsan ang sakit at maging ligtas ang pagsilang.




Kagaya na lamang ng mag-asawang Coleen Garcia at Billy Crawford na mas pinili na magkaroon ng isang paraan ng pagsilang na ligtas at hindi gaanung mahihirapan si Coleen, ang water birth.

Sa latest vlog ng mag-asawang Coleen at Billy na mapapanood sa kanilang YouTube Channel na “The Crawford” tampok ang video na naglalaman ng 44 minuto kung saan ay ibinahagi ng celebrity couple ang kanilang karanasan nang isilang ang kanilang panganay sa pamamagitan ng water birth.

Photo credits: The Crawfords | youtube

Sa unang bahagi ng video, mapapanood ang mga kaganapan habang nanganganak si Coleen. Dahil nga sa loob naman ng kanilang tahanan magsisilang ang aktres, ay naging komportable siya saanmang sulok ng bahay siya magpwesto.

Photo credits: The Crawfords | youtube

Nakaalalay rin si Billy sa kanyang asawa, habang iniinda nito ang sakit sa pagle-labor. Maya’t maya nga ang pagmasahe ni Billy kay Coleen upang maibsan ang nadaramang sakit. Sa kabila ng hirap at sakit na naranasan, nanatili pa ring matagtag si Coleen para lamang maisilang ang kanilang anak.

Photo credits: The Crawfords | youtube

Sa tulong nga ng mahusay na widwife na umalalay kay Coleen, ay matagumpay niyang naisilang ang isang napakacute at malusog na sanggol. Malaki nga ang naitulong ng water birth upang mapabilis at hindi gaanung nahirapan sa panganganak si Coleen.

Paglalahad naman ng mag-asawa, bagamat, napakapersonal sa yugto ng buhay nila ang pagsilang ni Coleen, ay proud pa rin silang ibahagi sa publiko ang espesyal na kaganapang ito. At ang pagdating nga ni Baby Amari, ay isang napakasaya at hindi makakalimutang karanasan na ang hatid sa kanila ay labis na kaligayahan.

Photo credits: The Crawfords | youtube

“This video, and these moments, are very raw, vulnerable, and personal, but we are proud and happy to share them with you because it is, and always will be, a major part of our lives. This is OUR story, and Amari’s birth has been nothing but good and beautiful to us. Everyone’s story and experiences are different, so if you find yourself here, please share the good vibes with us!”




Samantala, nagbahagi naman si Coleen ng ilang detalye kaugnay sa water birth. Ngunit, paglilinaw naman ng aktres, ay mas mabuti pa rin raw na sundin ang payo ng doktor kapag manganganak.

“To everybody who wants to know more about water birth—is this for you or not—and what I have to say about it is it’s really different for everybody. Not everybody is a good candidate for water birth so again, you have to listen to your health care provider at the end of the day.”

Photo credits: The Crawfords | youtube

Isinilang ni Coleen ang panganay na anak nila ni Billy na si Baby Amari noong nakaraang buwan ng Setyembre. At ngayon nga, ay tatlong buwang gulang na si Baby Amari. Sa paglipas naman ng bawat araw, ay mas lalong ipinapadama ng mag-asawa ang kanilang pagmamahal sa kanilang munting anghel na itinuturing na isang biyayang hindi matutumbasan ng anumang halaga.

error: Content is protected !!