Connect with us

Entertainment

Mag-Asawang Anne Curtis At Erwan Huessaff, Masayang Nag-picnic Kasama Si Baby Dahlia

Published

on

Ang pandemic na sakit na COVID-19 na nararanasan natin ngayon ay nagdala sa atin ng matinding pasakit at pinsala. Lahat tayo ay apektado ng krisis, maging ang ekonomiya ng bawat bansa ay apektado rin, walang trabaho ang mga mamamayan at wala ring pagkakakitaan. Ngunit, ang sakit na nagdala sa atin upang manatili sa loob ng tahanan para sumunod sa pinapairal na enhanced community quarantine, ay may isang bagay na itinuro sa atin, ang kahalagahan ng pamilya.




Halos dalawang buwan na nga tayong sumasailalim sa quarantine kung saan hindi tayo nakakalabas ng bahay at dahil dito nagkaroon tayo ng oras sa ating pamilya, nakaka-bonding natin sila, nakikilala pa ng lubusan at higit sa lahat ay naipaparamdam natin sa kanila ang ating pagmamahal. Ngunit, ang pagtatapos naman ng quarantine sa ibang lugar, ay nagsisilbing bagong pag-asa at simula kung kaya’t ang unang pagkakataon na makalabas ng tahanan ini-enjoy ang bawat sandali kasama ang pamilya.

Kagaya na lamang ng pamilya ni Anne Curtis na sinamantala ang pagtatapos ng quarantine sa kanilang lugar upang mamasyal at magpicnic kasama ang kanyang asawa na si Erwan Heussaff at Baby Dahlia. Dalawang buwan na halos silang nakaquarantine, at sa pagtatapos nga ng lockdown ay nagawa na nilang ilabas ang kanilang anak upang damhin ang sarap ng sariwang hangin at sikat ng araw.

Sa Instagram ni Erwan, ibinahagi niya ang isang larawan kung saan karga-karga niya si Baby Dahlia habang sila’y masayang nagpi-picnic sa isang park sa Melbourne, Australia.

Sa post na ito ni Erwan sinabi niya na ito ang unang picnic ni Baby Dahlia, at kanilang sinasamantala ang maaraw na panahon.

“Taking advantage of the sunny weather breaking into this cold month. For Dahlia’s first picnic, we had some crackers and cheese. She just had some good old fashioned breast milk”,

saad ni Erwan.




Samantala, sa isang video naman na ibinahagi ni Erwan sa Instagram story, makikita na masayang nagtutulak ng stroller ni Baby Dahlia ang asawa niyang si Anne habang naglalakad sa bahagi ng park. Makikita namang masaya sila sa kanilang pamamasyal at picnic, na talagang ini-enjoy ang magandang panahon.

Matatandaan na nagtungo si Anne sa Australia at iwan pansamantala ang showbiz upang paghandaan ang kanyang panganganak sa panganay nila ni Erwan. Ngunit, dalawang linggo bago siya manganak ay sumunod sa kanya si Erwan upang saksihan at salubungin ang paglabas ni Baby Dahlia. At noong Marso 2 nga, ay kanila nang nasilayan ang napakacute na si Baby Dahlia. Hindi matatawaran ang kaligayahang hatid sa pagdating ng kanilang munting anghel sa kanilang buhay. Simula nga noon, mas lalo pang naging maligaya ang kanilang bawat araw na binibigyang kulay ni Baby Dahlia.

error: Content is protected !!