Connect with us

Entertainment

Mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heusaff, Ipinasilip ang mga Kagiliw-giliw na Larawan ng Anak Nilang si Dahlia Amelie sa Naging Masayang Bakasyon Nila sa Siargao

Kung ang pag-uusapan ay mga nagku-kyutan na celebrity baby, ay isa sa talagang kinagigiliwan ng maraming netizens na celebrity baby ngayon ay ang anak ng mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heusaff na si Baby Dahlia Amelie. Magmula ng isilang at maging isang ganap na toddler si Baby Dahlia, ay talaga namang kinaaliwan na siya ng mga netizens, ito ay dahil sa kanyang angking kakyutan at kabibohan.

Photo credits: Anne Curtis|IG

Madalas na magbahagi ang mag-asawang Anne at Erwan ng mga milestone at activities na ginagawa ng kanilang anak, kaya naman ang mga netizens ay tila nasubaybayan na din ang paglaki ni Dahlia.

Samantala, nitong nakaraan lamang ay masayang nagbakasyon sina Anne at Erwan sa isla ng Siargao, at siyempre kasa-kasama nila sa bakasyon nilang ito ang kanilang anak na si Baby Dahlia.

Photo credits: Anne Curtis|IG

Hindi naman nawala sa bakasyon na ito ng pamilya ang magbahagi sila ng mga nagagandahan nilang mga larawan, lalo na ang mga nakakaaliw na larawan ni Dahlia, habang ine-enjoy nito ang Siargao. Isa sa mga ibinahaging larawan ni Anne sa kanyang Instagram account ay ang adorable photo ni Baby Dahlia na nakasuot ng bathing suit habang umiinom ng fresh buko juice.

“Got buko?” ang maikling saad ni Anne sa kanyang post.

Photo credits: Anne Curtis|IG

Kaagad namang humakot ng napakaraming likes at komento ang post na ito ni Anne, kung saan ay umabot na ito ng mahigit 580 likes.
Maging si Erwan ay nag-post ng mga kagiliw-giliw na larawan ni Dahlia, tulad na lamang ng larawan nito na nakasakay sa isang three-wheeled car na nasa may kalye ng Santa Fe sa General Luna, kung saan makikita na parang handing-handa na si Dahlia na mag-drive ng naturang sasakyan.

“On our way”, maikiling caption ni Erwan sa kanyang IG post.

Photo credits: Erwan Heussaff|IG

Makikita rin sa Instagram ni Anne ang naging pagbibida niya ng larawan nilang magpamilya, habang sila ay nagtatampisaw sa napakalinaw na tubig-dagat ng Siargao. Kaagad namang humakot ng 1.2-milyong likes ang larawan na ito mula sa mga followers ni Anne sa naturang apps.

“My world”, ang naging caption naman ng Kapamilya actress/celebrity mom sa IG post niyang ito.

Photo credits: Erwan Heussaff|IG

Nagsimulang mag-travel ang mag-asawang Anne at Erwan kasama ang kanilang anak na si baby Dahlia, nitong pagpasok ng taong 2022, kung saan iba’t ibang mga magagandang lugar sa ating bansa ang kanilang binisita at pinagbakasyunan tulad na lamang ng Bohol at ang napaka-luxurious resort ng Amanpulo sa Palawan.

Photo credits: Erwan Heussaff|IG

Ikinasal sina Anne Curtis at Erwan Heusaff noong buwan ng Nobyembre taong 2017, at dumating naman sa kanilang buhay ang panganay na anak nilang si baby Dahlia noong taong 2020. Isinilang ni Anne si Dahlia Amelie sa Melbourne, Australia noong buwan ng Marso taong 2020.

error: Content is protected !!